Ayon sa DILG, ang
programang Bottom-up Budgeting (BuB) o ang tinaguriang“Budget ng Bayan sa Kamay
ng Taumbayan” ay malapit nang ipatupad.
Sinabi ng kasalukuyang DILG Secretary na si Mel Senen S. Sarmiento, bibigyang kapangyarihan na ang taumbayan at mga namumuno sa barangay na mag-desisyon kung anong mga proyekto ang kanilang ipatutupad para maisulong na ang pakikilahok at pananagutan ng taumbayan sa pamahalaang barangay.
Ayon pa kay
Sarmiento, sa pagkakaloob sa mga barangay ng daan para sila mismo ang
magpatupad ng kanilang mga proyekto, mas maiintindihan nila ang iba’t ibang
aspeto ng batas sa procurement law, budget law at mga alituntuning isinasaad
nito. Sa ganitong paraan ay mas mapagbubuti pa ang antas ng pamamahala sa mga barangay.
“Para ito direktang
makita, maramdaman at mapakinabangan ng mamamayan sa mga komunidad” dagdad pa ni
Sarmiento.
Sa ngayon, ang BUB ay
pawang sa mga lungsod at bayan pa lamang naipatutupad.
Inulundsad noong 2012, ito ay isang programa na nagsusulong ng pakikilahok ng mga barangay sa pambansang pagpaplano ng budget at pagpapatupad ng mga proyekto.
Nang wala pa ito, pawang sa "itaas" lamang nanggagaling ang mga desisyo. Ngayon, ang mga mamamayan sa bawat komunidad, kasama ang kanilang mga
lokal na pamahalaan ay may kapangyarihan nang mag-desisyon kung ano ang proyektong
dapat unahin sa kani-kanilang lugar.
Noong nakaraang Disyembre, 2015, ang DILG ay bumuo ng isang Technical Working Group (TWG) para sa pre-implementation phase ng Barangay BuB sa taong 2017.
Ito ay
nakabatay sa prinsipiyo na ang mga barangay ay dapat bigyan ng kapangyarihan at
himukin ang mga Civil Society Organizations sa proseso ng pagba-budget. Ang Technical Working Group ang siyang bubuo
ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng BuB.
Sinabi ni Richard L. Villacorte, Project Manager ng DILG BuB Project Management Office, na sa sistemang Barangay BuB, direkta na itong ipapapatupad sa mga barangay ng pamahalaang nasyunal at hindi na pararaanin pa sa pamahalaang panlalawigan o munisipal.
“Pag sinabi nating bottom-up budgeting, ang barangay ang pinaka-ibaba, mas-grassroot kaysa municipal civil society organizations (CSOs),” sabi ni Villacorte.
Sinabi naman ni Atty. Edmund R. Abesamis, National President ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, “Ito ay isang katuparan ng matagal nang isinusulong ng Liga, ang pagbibigay-kapangyarihan sa mga barangay. Sa ilalim ng Barangay BuB, magkakaroon na ng kakayahan ang mga barangay na ipatupad ang mga proyektong pinondohan ng pamahalaang nasyunal.”
Sinabi pa niAbesamis na ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas ay sinasangguni rin sa paghahanda at pagsasakatuparan ng Barangay BuB at nakipagtulungan sila sa maayos at walang-sagabal na pagpapatupad ng proyektong ito. (Ulat mula sa website ng DILG: Bottom-up Budgeting going more grassroot at barangay-level)