May kakayahan ang pinalakas na barangay na
pangunahan ang pagsugpo sa maraming kaso ng pagkamatay sa panganganak ng mga
kababaihan at sanggol sa bansa, sabi ni Camarines Sur Representative LRay
Villafuerte na nag-file ng isang bill sa Kongreso na layong maisakatuparan ang
kanyang programa sa pangangalaga ng ina
at sanggol sa loob ng unang 1,000 araw ng buhay nito, mula sa loob ng
sinapupunan hanggang sa ikalawang taon nito.
Photo Credit: bbc.com |
Sinabi niya na nababahala siya sa
pahayag kamakailan ni Anthony Costello, direktor ng maternal, children’s and
adolescents’ health ng World Health Organizaton o WHO, na hindi matiyak kung
tama nga ang bilang ng mga namamatay na ina at sanggol sa panganganak sa buong
mundo.
Ayon sa WHO, 303,000 na kababaihan
ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak habang 2.7 milyong sanggol ang
namamatay sa unang 28 araw ng kanilang buhay at 2.6 milyon naman ang patay na
nang isilang.
World Health Organization Manila Office File Photo |
“Ang katotohanang maaaring maiwasan
ang pagkamatay sa panganganak sa pamamagitan ng dekalidad na pangangalaga ay
siyang basihan para kaagad na kumilos ang pamahalaan na makapagtayo ng mga
pasilidad sa pangangalaga ng ina at sanggol sa bawat barangay sa bansa.”
Ang mga abot-kayang programang pangkalusugan
na nilikha para sa barangay at ang pagtataas ng antas ng kakayahan ng ating mga
manggagawa ay makatutulong para maibsan ang kahirapan at maramdaman ng mas
nakararaming mahihirap na Filipino ang pag-unlad ng bansa”, dagdag pa niya.
Kailangang matiyak ng
pamahalaan na ang 42,035 na barangay sa buong bansa ay mapalakas para masugpo
ang mga insidente ng pagkamatay sa panganganak at upang bigyang proteksiyon ang
mga mahihirap na pamilya. (Philippine Star)