Isinailalim
sa total lockdown ang dalawang barangay sa bayan ng Baggao, Lalawigan ng Cagayan
matapos magpositibo ang isang animnapung taong gulang na lalaki sa Corona Virus
Disease 2019 (COVID-19).
Ayon
kay Mayor Joan Dunuan, isasailalim sa lockdown ang mga barangay ng Tallang at
Remus na posibleng pinuntahan ng kumpirmadong COVID-19 positive na pasyente.
Ang
lockdown ay epektibo simula Abril 28, 2020, 12:01 ng madaling araw at ang mga
lugar na nasa lockdown ay obligadong magsuot ng face masks kahit nasa loob ng bahay.
Ayon kay
Dunuan, agad silang nagsagawa ng contract tracing sa lahat ng mga nakasalamuha
ng pasyente kabilang na ang kaniyang mga kapamilya at iba pang mga nakasalamuha
sa kanyang pinagtratrabahuhan bilang isang magsasaka at nagtitinda ng karne.
"Malaking hamon sa amin ngayon ang contact tracing dahil ang pasyente ay maraming nakaugnayan bago pa man napag-alaman na positibo siya sa virus. Magsasaka kasi siya at noong nagpaani siya ay marami siyang mga taong kasama, noong inatake siya ng sakit ay may mga barangay tanod pa na tumulong sa kanya," ani Dunuan.
"Maliban
pa riyan ay magkakatay siya ng hayop at ibinebenta ito sa palengke kayat
napakaraming tao ngayon ang hinahanap namin na posibleng nakasalamuha niya,
" dagdag pa ng alkalde.
Ayon
kay Dunuan, palaisipan pa rin sa kanya kung papaano nahawa ng virus ang pasyente
gayong hindi ito lumalabas ng bayan.
Gayunman,
dalawang bagay ang isinaisip nitong posibilidad na pinanggalingan ng kumapit na
COVID-19 sa kanya: maaring sa kanyag anak na galing Taiwan noong Pebrero 15; at
maaring sa mga nagdedeliver ng mga pagkaing papasok ng Baggao mula sa ibang mga
lugar na may food pass.
Sa
ngayon ay nasa quarantine facility na ang mga taong na-trace at minomonitor ng
Municapal Health Office at ng mga opsiyal ng lokal na pamahalaan.
Pinag-aaralan
na rin ngayon ng mga opisyal kung papaano ipatutupad ang General Community
Quarantine matapos may nagpositibo sa kanilang lugar. (Content and photo reposted
from MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)
LIKE and SHARE US on FACEBOOK