Photo Credit: PNP Lipa Facebook |
Isang kapitan ng barangay ang inaresto sa pagtatago ng di-lisensiyadong armas sa kanyang bahay sa Lipa City sa lalawigan ng Batangas kamakailan, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Chief Inspector Zyrus Serrano, provincial officer
ng Batangas CIDG, si Kapitan Rodelio Fajutag, 60 ng Barangay San Guillermo,
Lungsod ng Lipa, ay inaraesto sa kanyang
barangay mismo noong ika-25 ng Mayo.
Dagdag pa ni Serrano na ang nagsilbi ng search warrant kay Fajutag
ay ang pinagsanib na puwersa ng Batangas CIDG, CIDG Region 4A at ng Batangas
Provincial Safety Office.
Ang nag-issue ng search warrant ay si Judge Agripino Morga ng
San Pablo City para sa kanyang di-umano’y paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive
Firearms and Ammunition Regulation Act.”
Ang nakuha mula sa suspek ang isang kalibre-45 na baril,
isang magazine at 5 bala.
Si Fajutag at ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa
CIDG Batangas Office para maihanda nag kaso laban sa suspek. (Inquirer.net)