Biyernes, Agosto 18, 2017

Barangay sa Sarangani nanguna sa Region 12 Gawad Kalasag Awards

g

Buong pagmamalaking ipinakita ni Punong Barangay Lydia Hizoler ng Barangay Calabnit ang  katibayan ng kanyang pagkapanalo bilang pinakamahusay na Barangay sa Region 12, Rural Category,  sa   2017 Regional Gawad Kalasag Search for Excellence in Disaster Risk Reduction Management and Humanitarian Assistance noong ika-10 Agosto 2012.  Bukod sa plake, nakatanggap din ang barangay ng P50,000.00 cash incentive.  Ang barangay Calabnit ay nasa Bayan ng Glan, Sarangani Province.  (Tres Besa na/SARANGANI COMMUNICATIONS SERVICES)  Reposted from www.sarangani.gov.ph

Martes, Agosto 15, 2017

May 2018 barangay polls okay sa Comelec


By: Leslie Ann G. Aquino
Walang nakikitang problema ang Commission on Elections (Comelec) kung mauusog ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa May 2018.
“This proposal of May 2018, we are okay with it since we have one year (interval),” pahayag ni Comelec Chairman Andres Bautista sa isang press conference.
Nauna nang nag-decide ang House of Representatives na ilipat ang Barangay at SK elections sa May 2018 sa halip na isagawa ito sa darating na October.
Gayun pa man, muling sinabi ni Bautista na nanatili silang “neutral” sa issue kung ipagpapaliban o hindi ang October polls.
“We have always been neutral. Our only appeal is for them not to make it too close to the next elections,” sabi ni Bautista.
“It should have an interval of at least one year,” dagdag niya. (Tempo)    

Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa Agosto 21 ang pag-imprenta ng 85 milyong balota na gagamitin sa October 31 Barangay and Sangguniang )Kabataan elections.
Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na kinakailangan nilang simulan agad ang pag-imprenta ng mga balota sa National Printing Office sa Quezon City dahil sa malaking bilang ng mga botante.
“Based on our timetable we need 60 days within which to print the ballot,” pahayag ni Bautista sa isang press briefing sa Maynila.
“We want to give some leeway. Remember the number of ballots we are printing this elections is much high. In 2013, I think it was only about 50 million. Now, its 85 million because of the SK,” dagdag pa ni Bautista. (Tempo