Ang Barangay Bojo sa Aloguinsan, Lalawigan ng Cebu ay napasama sa mga kinilalang Best Tourism Villages ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO) dahil sa pambihirang mga paraan nito para isulong ang eco-tourism at pangangalaga ng kalikasan.
Ang barangay na ito sa Cebu na kilala sa buong mundo dahil sa Bojo River na matatagpuan dito ay nag-iisang kasali mula sa listahan ng 44 na barangay sa bansa na pinili sa mahigit na 170 kasali mula sa 75 na bansa.
Ang mga sumali ay sinuri ayon sa pamantayan ng isang independent Advisory Board sa mga kategoryang Cultural and Natural Resources, Promotion and Conservation of Cultural Resources, Economic Sustainability, Social Sustainability, Environmental Sustainability at iba pa.
Ayon sa website ng UN-WTO, noong taong 2013, binago ng Barangay Bojo ang vison nito para maging isang progresibong pook na nagbibigay halaga sa kaunlarang nakasentro sa kapakanan ng mamamayan; pagpapalakas sa ugnayan ng pamahalaang lokal at komunidad at; ligtas at kasiya-siyang pook para sa mga residente, bisita at mamumuhunan.
Ang Best Tourism Villages initiative ng UN-WTO ay inilunsad para isulong ang papel na ginagampanan ng turismo sa pangangalaga ng mga barangay sa kanayunan kabilang na ang mga tanawin dito, kalikasan, kultura, mga gawain pati na ang mga tanging lutuin na matatagpuan dito. Good News Pilipinas.
NASA LARAWAN: Ang Barangay Bojo sa Aloquinsan Cebu na kung saan matatagpuan ang world-famous Bojo River. PHOTO CREDIT: Good News Pilipinas.
Like & Share us on Facebook
HELP US PROMOTE BEST PRACTICES AND GOOD GOVERNANCE IN THE COMMUNITIES: To sustain our work of gathering and reporting to you significant barangay news and events nationwide, your donations in whatever amount would be a great help. Our G-cash account number is 0936-9776285. Thank you for your continued support.