Ang mga nahirang na information officers ng kani-kanilang barangay sa Lungsod ng Maasin ay tinipon kamakailan para sa isang communicators writeshop/training sa ilalim ng E-power Mo Campaign ng Department of Energy (DOE).
Ang Maasin na nasa Lalawigan ng Southern Leyte ay may 70
barangay at bawa’t isa rito ay
nagpadala ng kagawad o mismong ang punong barangay bilang Barangay
Information officer (BIO) gayundin ang iba pang mga kawani ng lungsod para
katawanin ang kanilang mga department heads.
Ang mga naimbitahang speakers ay
mula sa Southern Leyte Electric Cooperative (SOLECO na siyang nahirang na
kumatawan sa DOE.
Sa umaga, nagsimulang talakayin ng
mga kawani ng SOLECO ang iba’t ibang paksa tulad ng kung paano makatipid sa paggamit
ng kuryente at alamin ang tungkol sa kooperatiba gayundin ang iba pang mga paksang technical na tinalakay sa open forum.
Kinahapunan, ang mga nahirang na BIO
ay nagsimulang mag writer’s workship para magsanay sa pagsusulat ng mga
balita tungkol sa mga kaganapan sa kanilang mga barangay o mula sa mga paksang
tinalakay ng mga kawani ng Soleco nang nakalipas na umaga.
Ito ang pangalawang pagtitipon ng
mga information officers ng lungsod. Ang una ay noong nakalipas na buwan, na
kung saan ay tinuruan silang magsulat ng one-sentence news lead.
Ngayon naman, tinuruan sila ng mga
basic tips sa paggawa ng mga support
leads, mga detalye at backgrounder para makumpleto ang lima hanggang anim
na sentences o pangungusap para makabuo ng isang news story na isang one-sentence, one-paragraph format.
Source of news and photo: Philippine InformationAgency.