Lunes, Nobyembre 26, 2018

Barangay Information Officers (BIOs) nagsanay sa pagsusulat





Ang mga nahirang na information officers ng kani-kanilang barangay sa Lungsod ng Maasin ay tinipon kamakailan para sa isang communicators writeshop/training sa ilalim ng E-power Mo Campaign ng Department of Energy (DOE).


Ang Maasin na nasa Lalawigan ng Southern Leyte ay may 70 barangay at bawa’t isa rito ay nagpadala ng kagawad o mismong ang punong barangay bilang Barangay Information officer (BIO) gayundin ang iba pang mga kawani ng lungsod para katawanin ang kanilang mga department heads.
 


Ang mga naimbitahang speakers ay mula sa Southern Leyte Electric Cooperative (SOLECO na siyang nahirang na kumatawan sa DOE.


Sa umaga, nagsimulang talakayin ng mga kawani ng SOLECO ang iba’t ibang paksa tulad ng kung paano makatipid sa paggamit ng kuryente at alamin ang tungkol sa kooperatiba gayundin ang iba pang mga paksang technical na tinalakay sa open forum.
 


Kinahapunan, ang mga nahirang na BIO ay nagsimulang mag writer’s workship para magsanay sa pagsusulat ng mga balita tungkol sa mga kaganapan sa kanilang mga barangay o mula sa mga paksang tinalakay ng mga kawani ng Soleco nang nakalipas na umaga.


Ito ang pangalawang pagtitipon ng mga information officers ng lungsod.  Ang una ay noong nakalipas na buwan, na kung saan ay tinuruan silang magsulat ng one-sentence news lead.



Ngayon naman, tinuruan sila ng mga basic tips sa paggawa ng mga support leads, mga detalye at backgrounder para makumpleto ang lima hanggang anim na sentences o pangungusap para makabuo ng isang news story na isang one-sentence, one-paragraph format.


Source of news and photo: Philippine InformationAgency. 
 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento