Tumanggap kamakailan ng P20M pondo ang Barangay Sta. Ines, sa Tanay, Rizal bilang bahagi ng Barangay Development Program ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ang pondo ay nakalaan para sa concreting ng farm-to-market roads, pagri-riprap o paglalagay ng mga bato bilang proteksiyon sa mga tabing bahagi ng Lanatin River at construction ng one-story multipurpose building ng barangay.
Tiniyak ni Mayor Rex Manuel Tanjuatco sa mga naninirahan sa barangay na pagbubutihin ng pamahalaang bayan ng Tanay ang mabilis at walang bahid-ng-anomalyang pagpapatupad ng proyekto.
Ang Sta. Ines ay isa sa 30 barangay sa Calabarzon na na-clear na mula sa impluwensiya ng mga rebeldeng grupo matapos sumailalin sa community support program (CSP) ng Philippine Army. (Translated from Manila Times.)
NASA LARAWAN: Ilang mga national at local government officials na dumalo at lumahok sa pasinaya sa barangay Sta. Ines, Tanay kamakailan. PHOTO CREDIT: Philippine Information Agency
Like & Share us on Facebook
HELP US PROMOTE GOOD GOVERNANCE IN THE COMMUNITIES: To sustain our work of gathering and reporting to you significant barangay news and events nationwide, your donations in whatever amount would be a great help. Our G-cash account number is 0936-9776285. Thank you for your continued support.