Linggo, Mayo 10, 2020

Asawa ng QC kagawad nahuli sa video na humihingi sa nabigyan ng ayuda



Ang asawa ng isang kagawad sa Barangay Matandang Balara, Quezon City ay nai-video na humihingi ng P500 mula sa isang nakatanggap ng ayuda.

Ayon sa report ni Saleema Refran noong Biyernes sa 24 Oras, nakunan ng video si Maricris Esteban na humihingi ng donasyon para raw sa Old Balara Ladies Brigade.

"Ganito kasi 'yan, beh. 'Pag mayroon kasi akong binibigyan ng form, humihingi po ako ng kaunting tulong para sa samahan... Nang nagbigay ako ng form, sabi ko unahin ang mga Ladies Brigade," sabi ni Esteban na makikita sa video.

Tinanong ng nag-upload ng video si Esteban kung paano maging member at kung ano ang mga benepisyo kapag sumali. Pagkatapos ay pumayag na siyang magbayad ng P500. (Translated and reposted from GMA News Online)