Ang asawa ng isang kagawad sa Barangay Matandang Balara,
Quezon City ay nai-video na humihingi ng P500 mula sa isang nakatanggap ng
ayuda.
Ayon sa report ni Saleema Refran noong Biyernes
sa 24 Oras, nakunan ng video si Maricris Esteban na humihingi ng donasyon para
raw sa Old
Balara Ladies Brigade.
"Ganito kasi 'yan, beh. 'Pag mayroon kasi akong
binibigyan ng form, humihingi po ako ng kaunting tulong para sa samahan... Nang
nagbigay ako ng form, sabi ko unahin ang mga Ladies Brigade," sabi ni Esteban
na makikita sa video.
Tinanong ng nag-upload ng video si Esteban kung paano maging member at kung ano ang mga benepisyo kapag sumali. Pagkatapos ay pumayag na siyang magbayad ng P500. (Translated and reposted from GMA News Online)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento