Linggo, Hunyo 7, 2020

30 empleyado ng barangay hall sa QC, positibo sa COVID-19 rapid test


Suspendido muna ang operasyon ng barangay hall ng Barangay South Triangle, Quezon City simula ngayong Biyernes matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid test ang 30 empleyado nito.

Ayon sa Facebook post ng barangay, tatlong araw munang isususpinde ang operasyon ng barangay.

Sa ngayon, naka-quarantine na ang mga empleyado ng barangay habang nakatakda rin silang isailalim sa polymerase chain reaction test.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, nasa 2,294 na ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod. (Contents reposted from ABS-CBN News)