Linggo, Nobyembre 3, 2013

PARI NANALONG KAPITAN NG BARANGAY


Mayroon pa kaya sa mga mambabasa ang nakakaalala ng isang lumang pelikula ni Clint Eastwood, ang The Good, the Bad and the Ugly?   
Ganito marahil ang mga kandidato para kapitan ng barangay, may mga matitino, may masasama at may mga pangit ang pagkatao.
At maaaring sinasalamin ito ng mga balita ngayon sa maraming pahayagan:  Pari, kumandidato at nanalong kapitan; natalong kapitan pumatay ng 3 kapatid; mga kandidato, namudmod ng alak at tig-P10 halaga ng 3-in-one coffee at noodles! (Inquirer News)


                                 Cebu Daily News Photo
Nang humupa ang tensyion matapos ang nakaraang halalang barangay, muling tumambad sa ating kamalayan ang iba’t ibang mukha ng halalan. 

Parang ipinapakita nito ang pangkalahatang karakter ng mga Pilipinong naghahangad na direktang mamuno sa ating mga mamayan. 
Tulad halimbawa ng nakagigimbal na balita kamakailan tungkol sa isang kandidato na pumatay ng tatlong kapatid dahil sa kanyang pagkatalo. Lumilitaw sa imbestigasyon na tinalo pala siya ng kanyang pamangkin, na anak ng isa sa kanyang mga napatay, sa pagka-kapitan. (Manila Bulletin


                                                                    Inquirer News Photo
Hindi ko maubos-maisip kung papaano magagawa ito ng isang matinong tao, at dating kapitan pa.  Bilang kapitan ng barangay, sa kanya nakasalalay ang kaligtasan ng kanyang mga kabarangay.  Sa nangyaring ito, siya pa ang pumuksa ng buhay.

Ano bang karakter mayroon ang karamihan sa mga namumuno at kawani ng barangay? 

Ano ang dahilan kung bakit marami ang nag-aasam sa puwesto ng kapitan?  
Bakit pati isang pari ay nagdesisyon na ring makilahok sa larangang ito kapalit ng pagkakasuspinde niya bilang pari? 
Ang paring ito ay nanalo bilang kapitan ng Barangay Kawit sa Bayan ng Medellin sa Cebu. Dahil sa kanyang desisyong kumandidato, sinuspinde siya ng Archdiocese of Cebu.
Tinalo niya ang nakaupong kapitan na apat na buwan pa lamang sa puwesto matapos pumalit ito sa dating kapitan na tumakbong konsehal sa botohan noong Mayo, 2013. (Cebu Daily News)
Pari isang kapitan? Hindi kaya siya lamunin ng sistema?  Naaala ko tuloy si dating Governor Ed "Among" Panlilio ng Pampanga, maaaring may maganda siyang simulain nguni't sadyang mahirap tibagin ang umiiral na sistema ng pulitika dito sa atin.


                                 South China Morning Post Photo
At ano pa ang bago? Kandidato namigay ng alak?  Hindi na ito bago. Boto nabibili na pala ngayon ng 3-in-one coffee at noodles?  Ah ito bago sa pandinig ko. JIM










of 79 votes, Fr. Oscar Banzon, who was suspended by the Cebu Archdiocese for running for barangay captain, was elected head of barangay Kawit in Medellin town, north Cebu. - See more at: http://cebudailynews.ph/news/story/21607/padre-is-barangay--captain#sthash.9RoiRNUV.dpuf