Mayroon pa kaya sa mga mambabasa ang nakakaalala ng isang
lumang pelikula ni Clint Eastwood, ang The
Good, the Bad and the Ugly?
Ganito marahil ang mga kandidato para kapitan ng barangay, may mga matitino, may masasama at may mga pangit ang pagkatao.
Ganito marahil ang mga kandidato para kapitan ng barangay, may mga matitino, may masasama at may mga pangit ang pagkatao.
At maaaring sinasalamin ito ng mga balita ngayon sa maraming pahayagan: Pari, kumandidato at nanalong kapitan; natalong kapitan pumatay
ng 3 kapatid; mga kandidato, namudmod ng alak at tig-P10 halaga ng 3-in-one coffee at noodles! (Inquirer News)
Nang humupa ang tensyion matapos ang nakaraang halalang
barangay, muling tumambad sa ating kamalayan ang iba’t ibang mukha ng halalan.
Cebu Daily News Photo |
Parang ipinapakita nito ang pangkalahatang karakter ng mga Pilipinong naghahangad na direktang mamuno sa ating mga mamayan.
Tulad halimbawa ng nakagigimbal na balita kamakailan tungkol sa isang kandidato na pumatay ng tatlong kapatid
dahil sa kanyang pagkatalo. Lumilitaw sa imbestigasyon na tinalo pala
siya ng kanyang pamangkin, na anak ng isa sa kanyang mga napatay, sa pagka-kapitan.
(Manila Bulletin)
Hindi ko maubos-maisip kung papaano magagawa ito ng isang
matinong tao, at dating kapitan pa.
Bilang kapitan ng barangay, sa kanya nakasalalay ang kaligtasan
ng kanyang mga kabarangay. Sa nangyaring
ito, siya pa ang pumuksa ng buhay.
Inquirer News Photo |
Ano bang karakter mayroon ang karamihan sa mga namumuno at kawani ng barangay?
Ano ang dahilan kung bakit marami ang nag-aasam sa puwesto ng kapitan?
Bakit pati isang pari ay nagdesisyon na ring makilahok sa larangang ito kapalit ng pagkakasuspinde niya bilang pari?
Tinalo niya ang nakaupong kapitan na apat na buwan pa lamang sa puwesto matapos pumalit ito sa dating kapitan na tumakbong konsehal sa botohan noong Mayo, 2013. (Cebu Daily News)
Pari isang kapitan? Hindi kaya siya lamunin ng sistema? Naaala ko tuloy si dating Governor Ed "Among" Panlilio ng Pampanga, maaaring may maganda siyang simulain nguni't sadyang mahirap tibagin ang umiiral na sistema ng pulitika dito sa atin.
South China Morning Post Photo |
of 79 votes, Fr. Oscar Banzon, who was suspended by the Cebu
Archdiocese for running for barangay captain, was elected head of
barangay Kawit in Medellin town, north Cebu. - See more at:
http://cebudailynews.ph/news/story/21607/padre-is-barangay--captain#sthash.9RoiRNUV.dpuf
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento