Sabado, Hunyo 23, 2018

Mga coastal barangay sa Camsur nag-tsunami drill



Naglabas kamakailan ng kautusan ang DILG sa mga lokal na pamahalaan kabilang ang probinsiya ng Camarines Sur na suportahan ang  mga programa para sa paghahanda bago dumating ang mga kalamidad.          

Isa sa mga programa nito ay magsagawa ng mga pagsasanay laban sa tsunami para sa mga barangay na nasa gawing Eastern seaboard ng bansa. 

Ang mga napiling barangay ay sasailalim sa on-site at actual tsunami simulation drill at gagawa ng barangay preparedness plan kabilang ang evacuation scheme sa mga darating na buwan.  

May 38 coastal barangay ang napili: 13 mula sa Garchitorena, 9 mula sa Siruma at 16 mula sa Caramoan. Sa pagsasanay, 10 ang kabilang sa bawat barangay na kinabibilangan ng Punong Barangay, ang Barangay Kagawad na nahirang na Committee Chairman ng Community Disaster Risk Reduction Management Council.  

Ang nabanggit na mga gawain ay naaayon sa adbokasya ng DILG na ma-institutionalize ang mga lokal na pamamaraan na ipatutupad ng mga apektadong barangay.  

Layon nito na masiguro na may paghahanda ang mga barangay bago at matapos maganap ang anumang kalamidad. 

(Isinalin sa Filipino mula sa Philippine News Agency)