Isang manggagawa sa pataniman ng
saging sa Barangay Angalan sa Lungsod ng Davao ang napatay kamakailan ng punong
barangay matapos na ito ay makatanggap ng reklamong panggugulo.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya,
ang nakapatay ay ang punong barangay na si Rogelio Ico, nang siya ay rumispunde
sa reklamo ng mga residente na sina Jeremiah Gabato, 8; Joey Jorolan, 17, at
Joel Gabato, 30.
Lumilitaw sa imbestigasyon na armado ng kalibre .357 na rebolber, binantaan ng manggagawang napatay na si Winston Licardo ang tatlo bago nagsumbong ang mga ito.
Lumilitaw sa imbestigasyon na armado ng kalibre .357 na rebolber, binantaan ng manggagawang napatay na si Winston Licardo ang tatlo bago nagsumbong ang mga ito.
Kasama ang ilang barangay tanod,
rumispunde ang punong barangay na si Ico at pumunta safarm kung nasaan si
Licardo nguni’t sila diumano ay biglang pinaputukan nito. Gumanti naman ng putok si Lico at tinamaan si
Licardo sa ulo.
Matapos ang insidente, dinala si Ico
sa istasyon ng pulisya para imbistigahan.[1]
Hindi na ito bago. Maraming nang ganitong sitwasyon sa buong bansa
ang kinaharap ng mga namumuno sa barangay.
Kadalasan, sa kakapusan ng mga pulis, ang unang humaharap sa mga gulo sa
barangay ay ang mga tanod at punong barangay.
Kaya naman ang batas ay may
probisyon na nagbibigay karapatan sa isang punong barangay na magdala ng armas
bilang pansariling proteksiyon.
Isinasaad ng Seksyon 389 (c) ng
Local Government Code of 1991 na sa pagpapatupad ng kanyang tungkuling nauukol
sa kapayapaan at kaayusan, may karapatan ang punong barangay na mag-ari at magdala
ng armas na pumuputok sa loob ng kanyang nasasakupang barangay.
Paano naman kung ang rumispunde sa
gulo at nakapatay ay isang barangay tanod?
May karapatan din ba siyang gumamit ng armas?
Sa isang barangay sa Lalawigan ng
Rizal mahigit dalawang taon na ang nakalilipas, isang nagwawalang lasing na
lalaki ang nabaril ng isang barangay tanod bilang pagtatanggol sa sarili
matapos siyang rumisponde sa diumanong panggugulo nito.
Ayaw paawat, sinugod pa nito ang
tanod at akmang tatagain ngunit mabilis naman siyang pinaputukan nito ng
shotgun sa mukha.
Bilang pagtatanggol sa sarili, may
karapatan ang tanod sa kanyang ginawa. Ngunit
sa isyu ng pagdadala ng armas, walang sinasabi ang batas tungkol dito. Idagdag pa kung ito ay lisensiyado at may permit to carry.
Pero kung ako ang tatanungin, mas
makabubuti siguro na bigyan ng armas ang mga tanod dahil sila, at hindi ang
kapulisan, ang madalas na unang nasasabak kapag may kaguluhan sa barangay.
Laluna na sa mga pook na malayo sa
istasyon ng pulis, dapat lang na gawing legal ang pag-aarmas sa mga tanod para
mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa barangay.
Kailangan lamang ng mga alituntunin
kung paano ang tamang paraan ng pagkakaloob sa kanila ng kapangyarihan na
humawak ng armas. Kasama na rito ang tamang pagpili ng mga taong ilalagay
bilang tanod at masusing pagsasanay sa pag-gamit ng baril, gayundin sa “rules
of engagement” at pag-aresto.
Baka ito ang solusyon sa problemang
sinasabing madalas ng kapulisan na kulang sila sa tao.
[1]
Pinagmulan ng Ulat: SunStarDavao,
Enero 16, 2015.