Pinangunahan ng isang community organization ang paglulunsad ng isang cleanlihess and beutification drive sa Barangay Purisima sa Manapla, Negros Occidental kamakailan.
Tinawag na "Barangay Ko, Love Ko", ang nasabing drive ay inilunsad sa pangunguna ng Purisima Community Service Volunteers o PCSV sa pakikipagtulungan ng Victorias Milling Company.
Nabago ang tanawin sa may bungad ng barangay makalipas na mailunsad ang proyekto nitong nakaraang October 30 na naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa barangay.
Namangha si Thamar Theresa Genobis ng PCSV sa naging pagtanggap ng mga residente ng barangay. Naging positibo ang kanilang mga pananaw at masaya nilang sinoportahan ang proyekto sa paglilinis sa harap ng kanilang mga bahay at sa mga daanan sa barangay.
Nagagalak din sila sa mga pagbagabong nagaganap sa paligid nila. Dahil dito, hangad ng PCSV na isulong pa ang disiplina at malasakit sa kapaligiran.
Sinabi ni Atty. Eva Rodriguez, VMC Chief Administrative Officer ng Victorias Milling Company Inc (VMC), na malugod nilang susuportahan ang proyekto dahil naaayon ito sa kanilang hangaring isulong ang ligtas at malusog na mga kumunidad.
May gantipalang naghihintay sa mananalong zone na kasali sa paligsahan at December 29, 2021 ang final judging.
Ang mapipiling pinakamagling na zone ay tatangggap ng P30,000 at susundan ng P20,000 para sa second placer at P10,000 naman para sa third place. May consolation prizes din na P5,000 para sa iba pang mga magwawagi. (Translated from The Visayas Daily Star )
Like & Share Us on FACEBOOK
IMPORTANT NOTICE: For your reading convenience, this news service do not contain and is not cluttered with ads. However, to sustain our work of gathering and reporting to you significant barangay news and events nationwide, your donations are most welcome in whatever amount. Our G-cash account number is 0936-9776285. Thank you for your support.