Sumailalim sa Barangay Environmental Compliance Audit kamakailan ang mga barangay sa Bulacan para malaman kung alin sa kanila ang nakasusunod sa ilang mga provision ng Republic Act. No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Ito ay isinagawa ng Provincial Assessment Committee sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Bulacan. Kasama rin ang mga kinatawan ng Provincial Environment and Natural Resources Office at ng mga Civil Society Organization.
Ang mga unang binisita at napiling barangay para i-audit ay ang Bagong Barrio, Pandi; Bagumbayan, Bocaue; Gayagaya, City of San Jose Del Monte; Matimbubong, San Ildefonso; Pansumaloc, San Rafael; Pantoc, Meycauayan; Pinagbarilan, Baliwag; Pitpitan, Bulakan; Poblacion, Pulilan; Pulong Buhangin, Sta. Maria; San Jose, Plaridel; Santol, Balagtas; at, Tiaong, Guiguinto.
In-assess ng Provincial Audit Committe ang mga verification documents, binisita ang mga Barangay Materials Recovery Facility at nagsagawa ng pakikipagpulong sa mga kawani ng mga barangay na nabibilang sa unang batch ng may 569 na barangay sa probinsiya.
May matatanggap na premyo ang pinakamagaling na barangay na mapipili ng Assessment Committee sa iba't ibang kategorya. DILG Regional News.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento