Huwebes, Hunyo 18, 2020

Mga batang mag-aaral sa isang Barangay sa Daet salitan sa paggamit ng face mask sa graduation program



Sa Baragay Dogongan, Daet, Camarines Norte, ilang estudyante ang nagsalitan sa paggamit ng face mask sa isang programa para sa kanilang pagtatapos.

Ayon sa isa sa mga estudyanteng tumanggap ng diploma, matapos silang makuhanan ng retrato, pinatanggal ng guro ang face mask at muli siyang kinuhanan nang walang suot na mask.

Tinawag umano ng guro ang isa pang estudyanteng naka-toga at ipinasuot naman ang face mask na una nang ginamit ng kamag-aral.

Ayon sa guro nakiusap lang umano ang mga magulang na makuhanan ng retrato ang mga anak ng mga ito.

Isinabay rin umano sa pamamahagi ng diploma ang pagbibigay ng report card at certificate of good character.

Ayon sa infectious disease specialist na si Joey Rañola, delikado para sa kalusugan ng tao ang pag-share ng face mask.

"The act na pinagpalit-palit nila, it's actually unhygienic," ani Rañola.

"Kaya nga naglalagay tayo ng mask para kung halimbawa mayroon kang virus galing sa laway mo, hindi mo mai-share sa iba," paliwanag niya.

Hinihintay ngayon ng regional office ng Department of Education ang pormal na ulat tungkol sa insidente para makapagsagawa sila ng karampatang aksyon. (Nilalaman hango sa ABS-CBN News) Photo: CNN

Martes, Hunyo 16, 2020

Kabaong idinispley sa harap ng tanggapan ng Barangay San Isidro sa Lungsod ng Parañaque




Bilang paalala (o panakot?) sa mga residente na kumukuha ng medical at travel pass sa barangay hall, naglagay ang mga opisyal ng Barangay San Isidro sa Lungsod ng Parañaque ng isang kabaong sa harap ng kanilang tanggapan na may nakalagay na karatulang "stay at home or stay inside" para mapasunod ang mga ito sa mga social distancing protocols na pinag-uutos ng pamahalaan. (Balita at mga larawan hinango mula sa Facebook page ng Philippine Star.)

Love triangle posibleng dahilan ng pamamaril ng barangay kagawad sa Cavite



Tatlong katao ang napatay sa Dasmarinas, Cavite noong Sabado matapos na mag-amok ang isang barangay kagawad.

Ayon sa isang ulat ng "24 Oras Weekend," ang mga biktima ay isang ama, anak na babae, at kapatid.

Sinubukan ng suspect na si Reyanldo Bucal na tumakas ngunit nahuli rin siya ng mga awtoridad.

Sinisiyasat ng mga imbestigador ang posibleng love triangle bilang motibo sa pagpatay dahil sa isang text message na natagpuan sa isa sa mga biktima mula kay Bucal tungkol sa di umano’y kaugnayan nila.

Ang suspect na  nahaharap sa kasong murder ay tumangging magbigay ng pahayag. (Content and video reposted from GMA News Online)