Huwebes, Hunyo 18, 2020

Mga batang mag-aaral sa isang Barangay sa Daet salitan sa paggamit ng face mask sa graduation program



Sa Baragay Dogongan, Daet, Camarines Norte, ilang estudyante ang nagsalitan sa paggamit ng face mask sa isang programa para sa kanilang pagtatapos.

Ayon sa isa sa mga estudyanteng tumanggap ng diploma, matapos silang makuhanan ng retrato, pinatanggal ng guro ang face mask at muli siyang kinuhanan nang walang suot na mask.

Tinawag umano ng guro ang isa pang estudyanteng naka-toga at ipinasuot naman ang face mask na una nang ginamit ng kamag-aral.

Ayon sa guro nakiusap lang umano ang mga magulang na makuhanan ng retrato ang mga anak ng mga ito.

Isinabay rin umano sa pamamahagi ng diploma ang pagbibigay ng report card at certificate of good character.

Ayon sa infectious disease specialist na si Joey Rañola, delikado para sa kalusugan ng tao ang pag-share ng face mask.

"The act na pinagpalit-palit nila, it's actually unhygienic," ani Rañola.

"Kaya nga naglalagay tayo ng mask para kung halimbawa mayroon kang virus galing sa laway mo, hindi mo mai-share sa iba," paliwanag niya.

Hinihintay ngayon ng regional office ng Department of Education ang pormal na ulat tungkol sa insidente para makapagsagawa sila ng karampatang aksyon. (Nilalaman hango sa ABS-CBN News) Photo: CNN

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento