Ito’y isang uri ng pananggalang para madisarmahan ang isang tao. Itatapat lang ito
sa mukha, may pipinduting buton at kaagad na may bubugang likido mula sa
unahang dulo nito.
Ang likidong ito ay
pansamantalang bubulagin ang mga mata ng isang katunggali para siya ay
madisarmahan at kaagad na magapi.
Makikita sa video sa ibaba ang isang insidente ng pananaksak na nangyari sa harap mismo ng isang barangay hall sa Maynila.
Kung mayroon sana ang mga barangay tanod ng naturang pananggalang, madali sanang nagapi at nadisarmahan ang nanaksak, at walang napahamak na residente ng nasabing barangay.
Ayon sa security expert na si Joel Supan na nakaimbento nito, epektibo ito kahit na armado pa ng itak ang isang tao dahil kaya nitong bumuga ng likido sa layong mula 6 hanggang 10 feet.

Joel Supan, Security Expert |
Nang kapanayamin ng Balitang Barangay, nagpahayag ng interes
ang imbentor na makipagtulungan sa
pamunuan ng mga barangay para mapanatili ang katahimikan sa kanilang
lugar.
Sabi ni Supan, sa tulong ng kanyang imbensiyong ito na
tinawag niyang PEPPER BATON, makatutulong siya ng malaki para sa ikatitiwasay ng mga residente ng barangay.
Dahil dito, minabuti ng pahayagang ito na tumulong sa
paghahatid ng kaalaman sa mga barangay
tungkol sa kanyang imbensiyon.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa PEPPER BATON, makipag-ugnayan lamang sa telepono bilang
232-2096 o sa 0936-9776285.
I-like at i-share ang Balitang Barangay sa Facebook