Lunes, Nobyembre 20, 2017

Naiibang 'armas' para sa barangay tanod

Narito ang naiibang 'armas' na maaring makatulong ng malaki sa mga barangay tanod para mabilis at ligtas na masupil ang mga pasaway sa barangay.                      

Ito’y isang uri ng pananggalang para madisarmahan ang isang tao.  Itatapat lang ito sa mukha, may pipinduting buton at kaagad na may bubugang likido mula sa unahang dulo nito.   

Ang likidong ito ay  pansamantalang bubulagin ang mga mata ng isang katunggali para siya ay madisarmahan at kaagad na magapi.



Makikita sa video sa ibaba ang isang insidente ng pananaksak na nangyari sa harap mismo ng isang barangay hall sa Maynila.

Kung mayroon sana ang mga barangay tanod ng naturang pananggalang, madali sanang nagapi at nadisarmahan ang nanaksak, at walang napahamak na residente ng nasabing barangay.
  

Ayon sa security expert na si Joel Supan na nakaimbento nito, epektibo ito kahit na armado pa ng itak ang isang tao dahil kaya nitong bumuga ng likido sa layong  mula 6 hanggang 10 feet.


Joel Supan, Security Expert

Dagdag pa ng PMA-graduate na imbentor, awtor at security consultant ng mga korporasyon, kahit may hawak na baril pa ang isang tao, basta’t malapitan, kaya siyang maunahan ng tanod gamit ang instrumenting ito.

Nang kapanayamin ng Balitang Barangay, nagpahayag ng interes ang imbentor na makipagtulungan sa pamunuan ng mga barangay para mapanatili ang katahimikan sa kanilang lugar.                                  

Sabi ni Supan, sa tulong ng kanyang imbensiyong ito na tinawag niyang PEPPER BATON, makatutulong siya ng malaki  para sa ikatitiwasay ng mga residente ng barangay. 
                                        

Dahil dito, minabuti ng pahayagang ito na tumulong sa paghahatid ng kaalaman sa mga barangay tungkol sa kanyang imbensiyon.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa PEPPER BATON, makipag-ugnayan lamang sa telepono bilang 232-2096 o sa 0936-9776285. 


I-like at i-share ang Balitang Barangay sa Facebook 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento