Ayon kay Punong Barangay at Municipal Councilor-elect Ivan Ricafrente, ito ay upang masiguro din ng Pamahalaang Barangay ng San Carlos na hindi nagpapabaya at hindi abuso sa tungkulin ang kanilang mga kawani. At kung sakaling may reklamo sa kanila, madali itong mapatunayan o mapasinungalingan sa pamamagitan ng hindi nagsisinungaling na ebidensya: ang mga actual videos na nakunan ng kani-kanilang body cameras.
Dagdag pa ni Ricafrente, prayoridad din ng Pamahalaang Barangay ng San Carlos na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga kawani na araw-araw itinataya ang kanilang buhay at kaligtasan para mapangalagaan ang kabutihan at kaligtasan ng lahat.
Ang Barangay San Carlos na may kabuuang bilang na 1,481 na naninirahan, ayon sa 2020 Census, ay isa sa 18 barangay ng Mariveles, Bataan, Kapuna-puna na ang bilang ng mga mamamayan dito ay kumakaunti sa halip na dumarqmi.(Photo and story iOrbit News Online)