Martes, Hunyo 11, 2019

Saan itinatabi ng barangay ang mga census nila?

Barangay Hall of Krus na Ligas.  Photo by: Inquirer.net

Hi, nakatira ako sa Krus Na Ligas, isang barangay sa UP Diliman. Ibebenta na kasi ng UP ang KNL sa LGU namin which is Quezon City. 45 years na kami sa barangay nakatira (45 yrs old na papa ko dito na ipinanganak at lumaki) 30 years ang requirement na pagkakatira sa barangay para mapasa amin ang lupa at maging legitimate na naninirahan kami sa barangay. Ang kaso, informal settler nga kami walang legal documents (lahat ng nakatira sa barangay ay walang legal documents to back it up. Census ang isa sa naiisip kong lehitimong dokumento para maback up to.
Btw, napagawa na kasi bahay namin noon pa narennovate maraming taon na lumipas. (20 yrs old na pala ako btw na naninirahan sa baranggay) kaya yung mga nakadikit sa una naming pinto wala na (ung mga sticker census din ata yon alam ko)
Nasa link ang sa baba ang iba pang impormasyon kung curious kayo


Reposted from Reddit. https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/byxng9/saan_itinatabi_ng_barangay_ang_mga_census_nila/


EDITOR’S NOTE:  Ang isyung ito ay hindi lamang sa Barangay Krus na Ligas nangyayari kung hindi sa marami pang mga barangay sa bansa. Magandang mapag-usapan dito.  Magbigay ng inyong komento bilang reaksiyon o ikwento kung nangyari din sa inyo at posibleng mai-post natin dito. Samantala, ang barangay na ito ay bahagi ng ating kasaysayan sapagkat dito umano nagpahinga si Andres Bonifacio at ang ibang pang kasama niyang mga Katipunero noong panahon ng himagsikan. Ang isa pang nakalulungkot sa bahaging ito ng kasaysayan ay ang pagputol umano sa daang-taong puno sa harap ng barangay hall na siyang nagsilbing pahingahan nila Bonifacio.