Huwebes, Abril 16, 2020

Barangay chairman sa San Pablo City tinaga ng inaanak na adik, patay



Patay ang isang 57 anyos na acting barangay chairman matapos hatawin ng matalas na itak ng drug addict na suspek na kanyang inaanak sa harapan ng  barangay hall ng Barangay Sta Ana nitong nakaraang Lunes ng umaga, April 13, 2013.

Kinilala ni PLt.Col Elmer Bao., hape ng San Pablo police, ang biktima na si Larry Rosales, na kasalukuyang barangay chairman ng Bgy. Sta Ana, sa lungsod Namatay si Rosales bunsod ng malalim na sugat sa leeg gayundin sa kanyang ulo sa San Pablo City Medical Center sa loob isang oras.

Samantala, matapos ang pananaga sa biktima, agad namang naaresto ang suspek na kinilalang si Pablito Hernandez, 45, walang hanabuhay at residente sa nasabing Barangay.

Nabawi ng imbestigator mula sa suspect ang matalas na gulok na ginamit sa pananagawa sa biktima.

Si Hernandez, ayon sa pulisya ay sabog sa ipinagbabawal na droga na nagtamo naman ng dalawang tama ng bala sa hita at kamay ng tangkain nitong tumakas.

Dakong alas 10:30 ng umaga kahapon ng magtungo sa barangay hall ang suspek dala ang isang bag na naglalaman ng itak.

Kinausap umano ng suspek ang opisyal upang humingi ng passes para makalabas ng barangay subalit hindi  ito  napagbigyan.

Dahil sa pagkabigo ay inilabas ng suspek ang matalas na itak saka inundayan ng taga ang biktima. (Contents reposted from Journal Online)                         

IN PHOTO: Ang duguang suspect na si Pablito Hernandez matapos na mabaril sa paa at kamay ng mga rumespondeng SWAT nang magtangka itong tumakas. 

LIKE and SHARE US on FACEBOOK



Martes, Abril 14, 2020

DILG, nagbabala ukol sa mga barangay checkpoint


Sa kabila ng pasya ng Department of Interior and Local Government na alisin na ang mga barangay tanod sa mga checkpoint, national highway man o sa mga barangay, may ilang mga barangay sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija na natagpuang hindi pa nagtanggal ng kanilang barikada nitong Abril 1. May ilan pang barangay tanod ang nakaduty na ayon sa kanila ay pinagluto raw sila ng kanilang barangay chairman.

Ang rason kung bakit tatanggalin na ang mga barangay tanod sa mga checkpoint, sila daw ang humaharang sa mga food lane truck ng matagal na syang sanhi ng pagbagal kung saan dapat ito madeliver. Kung mayroon mang mag-du-duty sa mga checkpoint na mga tanod, ito ay isusupervise ng mga pulis at mga sundalo para maging maayos ito.

Ayon pa sa DILG, dapat alisin na rin sa mga barangay ang itinambak na nga buhangin at barikada papasok sa kanilang mga barangay, at ipull-out na ang mga tanod na nakaduty. (Contents reposted from Eagle News)

LIKE and SHARE us on FACEBOOK.