Patay ang isang 57 anyos na acting barangay chairman matapos hatawin ng matalas na itak ng drug addict na suspek na kanyang inaanak sa harapan ng barangay hall ng Barangay Sta Ana nitong nakaraang Lunes ng umaga, April 13, 2013.
Kinilala ni PLt.Col Elmer Bao., hape ng San Pablo police,
ang biktima na si Larry Rosales, na kasalukuyang barangay chairman ng Bgy. Sta
Ana, sa lungsod Namatay si Rosales bunsod ng malalim na sugat sa leeg gayundin
sa kanyang ulo sa San Pablo City Medical Center sa loob isang oras.
Samantala, matapos ang pananaga sa biktima, agad namang
naaresto ang suspek na kinilalang si Pablito Hernandez, 45, walang hanabuhay at
residente sa nasabing Barangay.
Nabawi ng imbestigator mula sa suspect ang matalas na
gulok na ginamit sa pananagawa sa biktima.
Si Hernandez, ayon sa pulisya ay sabog sa ipinagbabawal
na droga na nagtamo naman ng dalawang tama ng bala sa hita at kamay ng tangkain
nitong tumakas.
Dakong alas 10:30 ng umaga kahapon ng magtungo sa
barangay hall ang suspek dala ang isang bag na naglalaman ng itak.
Kinausap umano ng suspek ang opisyal upang
humingi ng passes para makalabas ng barangay subalit hindi ito
napagbigyan.
Dahil sa pagkabigo ay inilabas ng suspek ang matalas na
itak saka inundayan ng taga ang biktima. (Contents reposted from Journal Online)
IN PHOTO: Ang duguang suspect na si Pablito Hernandez matapos na mabaril sa paa at kamay ng mga rumespondeng SWAT nang magtangka itong tumakas.
LIKE and SHARE US on FACEBOOK
IN PHOTO: Ang duguang suspect na si Pablito Hernandez matapos na mabaril sa paa at kamay ng mga rumespondeng SWAT nang magtangka itong tumakas.
LIKE and SHARE US on FACEBOOK
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento