Ni Mar Supnad
Sinabi ng isang bagong halal na punong barangay sa Bataan na gusto niya na lahat ng kanyang mga tanod ay pawang mga edukado at disiplinado para mas mapagbuti pa ang paglilingkod sa komunidad.
Ito ang unang pagkakataon sa Barangay Mulawin sa Bayan ng Orani na ang mga tanod ay sumailalim sa isang natatanging pagsasanay para sa Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT.
Gusto ni Kapitan dela Cruz na ang kanyang mga tanod ay may sapat na kaalaman kung paano pangangalagaan ang seguridad ng kanilang barangay tulad ng mga pangunahing law enforcers sa bansa.
Binanggit niya na ang mga tanod ng kanyang nasasakupang barangay ay sumailalim sa limang araw (40 oras) na pagsasanay tungkol sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act; Scene of the Crime Operation, First Responders’ Role; Republic Act 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination; Correspondence and Report Writing; Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; Barangay Drug Clearing Operations at Physical Conditioning.
Kabilang sa mga tagapagturo ay sina Balanga Police Chief,
Supt. Byron Allatog, isang multi awarded police official; Scene of the Crime
Operatives (SOCO), Bataan Provincial Crime Laboratory chief, Police Chief Insp.
Ailyn Perez; PO2 Reynaldo Viray; PO2 Jobelle Hugo at SPO1 Francis Francisco.
Isang matagumpay at iginagalang na negosyante, si Dela Cruz ay nasa trucking at hauling business.
Walang lumaban sa kanya sa katatapos na halalang barangay. (Manila Bulletin)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento