Sabado, Nobyembre 12, 2016

Pinalakas na Barangay Kayang Mabawasan ang mga Namamatay sa Panganganak

May kakayahan ang pinalakas na barangay na pangunahan ang pagsugpo sa maraming kaso ng pagkamatay sa panganganak ng mga kababaihan at sanggol sa bansa, sabi ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na nag-file ng isang bill sa Kongreso na layong maisakatuparan ang kanyang  programa sa pangangalaga ng ina at sanggol sa loob ng unang 1,000 araw ng buhay nito, mula sa loob ng sinapupunan hanggang sa ikalawang taon nito.  

Photo Credit: bbc.com
Sinabi niya na nababahala siya sa pahayag kamakailan ni Anthony Costello, direktor ng maternal, children’s and adolescents’ health ng World Health Organizaton o WHO, na hindi matiyak kung tama nga ang bilang ng mga namamatay na ina at sanggol sa panganganak sa buong mundo.

Ayon sa WHO, 303,000 na kababaihan ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak habang 2.7 milyong sanggol ang namamatay sa unang 28 araw ng kanilang buhay at 2.6 milyon naman ang patay na nang isilang.

World Health Organization Manila Office        File Photo
“Ang katotohanang maaaring maiwasan ang pagkamatay sa panganganak sa pamamagitan ng dekalidad na pangangalaga ay siyang basihan para kaagad na kumilos ang pamahalaan na makapagtayo ng mga pasilidad sa pangangalaga ng ina at sanggol sa bawat barangay sa bansa.”  

Ang mga abot-kayang programang pangkalusugan na nilikha para sa barangay at ang pagtataas ng antas ng kakayahan ng ating mga manggagawa ay makatutulong para maibsan ang kahirapan at maramdaman ng mas nakararaming mahihirap na Filipino ang pag-unlad ng bansa”, dagdag pa niya.

Kailangang matiyak ng pamahalaan na ang 42,035 na barangay sa buong bansa ay mapalakas para masugpo ang mga insidente ng pagkamatay sa panganganak at upang bigyang proteksiyon ang mga mahihirap na pamilya.  (Philippine Star)  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento