Welcome development ang plano ni Manila Mayor Joseph Estrada na gawing mandatory ang pagpapa-drug test ng mga elected barangay official ng siyudad.
At ang mga magpo-positibo sa drug test ay mahaharap sa pagkatanggal sa serbisyo at mga kasong administratibo kriminal.
"Nararapat lang ‘yan dahil sila mismo ang nagtuturo o naglilista sa mga drug user at drug dealer na tinutugis ng Philippine National Police."
"Alangan namang nginunguso nila ang mga adik, ayun pala’y adik din itong barangay chairman at mga kagawad ng barangay."
"Kung ganoon, ‘yang mga adik at drug dealer na barangay officials ang dapat isako at idispatsa!"
"May mga nakarating sa aking info na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang ilang opisyal ng barangay, pati kanilang mga tanod, diyan sa area ng San Andres Bukid, Maynila."
"Hayagan diumano ang mga pot session, lalo na sa gabi riyan sa kahabaan ng Zobel Roxas Street at Onyx Street sa boundary ng Maynila at Makati City."
"Ano ang ginagawa ng mga taga-barangay diyan? Baka naman kayo ang nakikitang nagsa-shabu jam sa mga barangay na ‘yan." (Remate)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento