“Ang mga barangay, bilang unang hanay ng
depensa, ang dapat gawing pamparami ng puwersa sa pangkalahatang pagkilos para
matiyak ang tagumpay sa giyera laban sa droga sa bawat komunidad,” sabi ni PDEA
Director General Isidro S. Lapeña sa isang pahayag.
Si PDEA Director General Isidro S. Lapeña |
Kabilang sa mga alituntunin ng programa para
sa drug-clearing program ay ang obligadong pagtatatag ng Barangay Anti-Drug
Abuse Councils (BADACs) ng mga barangay sa buong bansa; ang pagsasagawa ng
drug-clearing operations na may tatlong phases, ang Pre-Operation Phase,
Operation Phase at Post-Operation Phase; ang klasipikasyon ng mga barangay para
matukoy kung anong lugar ang uunahing linisin; ang mga tungkulin ng mga opisyal
ng barangay sa operasyon at; ang kaukulang parusa sa hindi pagsunod.
“Kinakailangang may anti-drug abuse council
ang bawat barangay. Ang hindi pagsasagawa nito ay tahasang paglabag sa batas,”
sabi ni Lapeña.
Ang BADAC ay binigyan ng kapangayarihan ng
batas na magplano at magpatupad ng mga polisiya; suriin ang mga programa at
proyekto sa pagsugpo at pagkontrol ng iligal na droga base sa political at
police powers ng barangay na pangasiwaan ang kapakanan ng komunidad.
“Ang BADAC ang siyang pinakamabisang puwersa na mabubuo sa isang barangay dahil sa impluwensiya ng mga miyembro nito sa mga
residente at ito ang siyang nakababatid ng mga pangangailangan ng mga naninirahan dito,” dagdag ni Lapeña.
Kabilang sa pagsusustena ng clearing
operations sa mga drug-affected na barangay ay ang pag-activate ng mga BADAC;
pahusayin ang kakayahan ng lahat ng mga stakeholder sa pamamagitan ng mga
seminar, pagsasanay, paggrupo-grupo ng mga kabahayan para mamatiyagan ang mga
nagaganap sa kanilang kapaligiran; pagsusumite ng watch-list ng mga drug
personalities at; pagkakaroon ng referral desk sa bawat barangay.
“Ang Operation Phase ang aktuwal na
implementasyon ng mga stratehiya sa pagbabawas ng supply at demand sa mga
apektadong lugar. Dito papasok at kikilos ang PDEA at iba
pang support agencies ng pamahalaan,” dagdag niya.
Ang Post-Operation Phase naman ay naglalayong
panatilihin ang pagiging ‘Drug-Cleared’ ng mga barangay matapos ang
drug-clearing operations sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng mga
proyektong tulad ng sports, pang-spiritwal at gawaing pangkomunidad, mga
proyektong pangakabuhayan at reintegration program para sa mga dating gumagamit
at nagtutulak gayundin ng patuloy na drug-awareness campaigns.
“Ang mga lokal na pinuno ay may katungkulan na tiyakin
ang pagtatatag ng BADAC sa lahat ng mga barangay sa kanilang nasasakupan,
paglalaan ng sapat na bahagi ng badyet ng barangay para matiyak ang pagsunod sa
mga tungkulin ng BADAC sa anti-drug campaign,” sabi pa ng hepe ng PDEA.
Ang kabiguan ng mga pinunong lokal na paglaanan
ng sapat na bahagi ng kanilang Annual Budget para masuportahan at mapahusay ang
pagpapatupad ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Damgerous Drugs Act of
2002 sa paghahanda ng budget ay dahilan para hindi
maarubhan ang kanilang Annual Budget na isusumite at sa posibleng kasong
administratibo sa hindi pagtupad sa tungkulin ayon sa Section 60 ng Local
Government Code.
Bilang huling paalala, sinabi ng hepe ng PDEA na: “Sa mga alituntuning ito, dapat ay
epektibong maipatupad at mapangasiwaan ang anti-drug clearing operations sa mga
barangay. Ginagawa namin ito sa bawa’t
barangay hanggang ang lahat ng mga ito ay lubusang ligtas na sa masamang dulot ng iligal
na droga.” (Pinagmulan ng ulat PDEA Website, Feb. 18, 2017)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento