Ang deklarasyon ay batay sa endorsement mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Malay at resolusyon ng Liga ng mga Barangay.
Nauna nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa tatlong barangay sa isla na kinabibilangan ng Yapak, Manoc-Manoc at Balabag sa gitna ng ginagawang rehabilitasyon.
Nabatid na maraming residente sa mainland ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa Boracay closure na karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho bilang boatmen, vendors, masahista, tricycle drivers, tour guides at mga commissioner.
(Text and photo reposted from Bombo Radyo Philippines. Original title: 14 barangays sa mainland Malay, Aklan nasa state of calamity dahil sa Boracay closure)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento