May naiibang sistema ang
Barangay Mandaragat sa Puerto Princesa upang mapanatili ang kalinisan at
kaayusan sa barangay. Para makuha ang suporta at kooperasyon ng mga residente
rito, naglunsad ang pamunuan nito ng isang ID system para sa maayos na pagkuha
ng mga basura na nagmumula sa mga kabahayan.
Ayon kay Barangay Captain
Gerry Abad, ang nasabing ID system ay makatutulong sa pagtatala at pagkakaroon
ng datos para sa kanilang programa sa solid waste management.
Layon nila na magkaroon ng
point system na nagbigigay ng pabuya sa mga residente na maghihiwalay ng
kanilang mga basura para madala ang mga mapapakinabangan pa sa
itinalagang lugar sa barangay.
Sinabi ni Kapitan Abad na sa
kasalukuyang taon, tatangap ang barangay ng mga maaari pang mai-recycle mula sa
kanilang mga tahanan at may reward points sila sa mga kalakal tulad ng bote,
plastic, bakal, lata, karton at iba pang makukuha.
Dagdag pa niya na sa Point at ID system na ipatutupad, may katumbas na points ang mga kalakal na
kukunin ng barangay. Halimbawa, ang
limang kilo nito ay may katumbas na five points. Ang makakakuha ng mataas na
points ay may reward. Sinabi niya na ang barangay na ang kukuha ng mga recyclables.
“Sana ay ma-encourage tayo
kasi ito ay obligasyon natin,” ayon pa sa kanya.
Hinimok din niya ang kanyang mga kabarangay na magsimulang maghiwalay ng mga basura sa kanilang mga tahanan at ilagay ang mga hindi nabubulok sa sako para sa taga kolekta ng basura at iwanan ang mga nabubulok para gawin namang pataba sa halaman.
Hinimok din niya ang kanyang mga kabarangay na magsimulang maghiwalay ng mga basura sa kanilang mga tahanan at ilagay ang mga hindi nabubulok sa sako para sa taga kolekta ng basura at iwanan ang mga nabubulok para gawin namang pataba sa halaman.
“Ang nabubulok ay hindi na
natin isali sa basura. Ginawa na yan dati ng mga bioman natin. Wag na rin
nating itali o itapon lang kung saan saan. Huwag ganun. Ibahin na natin ang sistema. Kung walang basura kung saan saan lang, ay walang kakalatin ang aso,”
sabi niya.
Ayon pa sa kanya, maaari rin nilang
gamitin ang mga lumang gulong, balde at plastic containers para magtanim ng gulay sa kanilang bakuran.
Sinabi ni Abad na ang
kanilang barangay ay tinutulungan ng City Environment and Natural Resources
Office sa pamamagitan ng Environmental Management Services Division sa pagtuturo sa mga residente ng tamang paraan ng paghihiwalay
ng basura.
Pinagmulan ng ulat: Palawan
Daily News. (https://palawandailynews.com/city-news/brgy-mandaragat-to-implement-point-system-to-manage-solid-wastes/)
Nasa larawan: Si Barangay Captain Gerry Abad habang ipinapaliwanag sa
kanyang mga kabarangay ang tungkol sa point system ng programa sa pangongolekta
ng basura sa kanilang barangay. (Larawan mula sa City ENRO).
Thanks sa pag-LIKE at SHARE sa FACEBOOK
Click here to read our English Edition.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento