Lunes, Disyembre 6, 2021

Bagong-tayong Barangay Complex sa Marawi City pinasinayaan

Habang patuloy ang pag-usad ng rehabilitasyon ng Marawi City,  pinasinayaan nitong nakalipas na ika-2 ng Disyembre, 2021 ang isa pang bagong building complex sa Barangay Radaya 1, hindi lamang para magsilbing gusali ng pamahalaang barangay, kung hindi maging health center na rin at madrasah, o paaralan para sa pag-aaral ng Islam at iba pang aralin.  

Ang pinasinayaang gusali ay panlima na sa iba pang mga naunang naitayong barangy complex sa lungsod: Ang Tolali, Datu Naga, Datu sa Dansalan, West Marinaut, at Moncado Kadingilan. 

Ang pondong ginamit sa mga ipinatayong gusaling ito ng city governmnet ay mula sa National Disaster Risk Reduction and Management - Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program. 

Sinabi ni City Mayor Majul Gandamra na sila sa pamahalaang lokal ng Marawi ay nangakong pagsasamahin sa isang gusali ang pamamahala ng Barangay Radaya 1 at ng pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon  sa Most Affected Areas (MAA) o pinaka-apektadong mga lugar sa lungsod.

Ang pasinaya, dagdag pa ni Mayor Gandamra, ay patunay lamang na  natupad nila ang kanilang pangako sa mga taga Marawi sa tulong ng Task Force Bangon Marawi sa pangunguna ng Chairperson nito na si Sec. Eduardo Del Rosario na kinatawan ng national government. Philippine Information Agency

NASA LARAWAN:  Ang bagong-tayong Radaya 1 Barangay Complex sa Marawi City kamakailan.  PHOTO CREDIT: Philippine Information Agency


Like & Share us on Facebook


HELP US PROMOTE GOOD GOVERNANCE IN THE COMMUNITIES: To sustain our work of gathering and reporting to you significant barangay news and events nationwide, your donations in whatever amount would be a great help.  Our G-cash account number is 0936-9776285. Thank you for your continued support.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento