Lunes, Marso 23, 2020
Barangay Quarantine Pass Iligal - DILG
Pinagsabihan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ang mga opisyal ng barangay na wala silang awtoridad para maningil para sa pinamimigay na quarantine pass sa kanilang mga nasasakupan.
Ginawa ito ng opisyal dahil sa mga ulat na ilang barangay ang naniningil para sa iniisyu nilang quarantine pass at maging mga food stub.
"Sana gamitin ng mga barangay captain at mga konsehal ang kanilang mga utak. Sa panahong ito, nakadagdag pa sila sa problema ng Pilipinas kung hindi nila pag-iisipang mabuti ang kanilang mga ginagawa,” sabi ni Malaya sa panayam ng himpilang DZBB nitong Linggo.
Binigyang-diin pa nito na wala namang binigay na pahintulot si Pangulong Rodrigo Duterte at maging ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IAFT-EID) para mag-isyu ng sarili nilang quarantine pass ang mga barangay.
Ayon kay Malaya, ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay ay tulungan ang kanilang mga kalugar sa kinakaharap na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Sinabi pa nito na wala ring awtoridad ang mga barangay na maglagay ng mga checkpoint na hindi ikino-coordinate sa kanilang mga alkalde.
Binanggit pa ni Malaya na may mga ulat din na naglalagay pa ng kondisyon sa iniisyu nilang quarantine pass ang mga barangay katulad ng pagtatakda ng oras para bumili ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng isang pamilya.
Ayon kay Malaya, iligal ang mga ganitong ginagawa ng mga barangay at maaari silang panagutin sa batas.
Higit sa lahat, hindi na aniya kinakailangan pang magpatupad din ng lockdown sa kanilang lugar ang mga barangay dahil isinailalim na nga sa enhanced community quarantine ang buong Luzon,’
“Under the Luzon-wide quarantine, hindi na po kailangan ang local lockdown, except dun sa mga lockdown na extreme at para lamang ito mga hot zone na may maraming kumpirmadong COVID-19 cases,” ayon pa kay Malaya.
(Buong ulat nagmula sa: Abante Tonite https://tonite.abante.com.ph/barangay-quarantine-pass-iligal-dilg/)
Lunes, Setyembre 9, 2019
Barangay may naiibang sistema sa pangungolekta ng basura
![]() |
May naiibang sistema ang
Barangay Mandaragat sa Puerto Princesa upang mapanatili ang kalinisan at
kaayusan sa barangay. Para makuha ang suporta at kooperasyon ng mga residente
rito, naglunsad ang pamunuan nito ng isang ID system para sa maayos na pagkuha
ng mga basura na nagmumula sa mga kabahayan.
Ayon kay Barangay Captain
Gerry Abad, ang nasabing ID system ay makatutulong sa pagtatala at pagkakaroon
ng datos para sa kanilang programa sa solid waste management.
Layon nila na magkaroon ng
point system na nagbigigay ng pabuya sa mga residente na maghihiwalay ng
kanilang mga basura para madala ang mga mapapakinabangan pa sa
itinalagang lugar sa barangay.
Sinabi ni Kapitan Abad na sa
kasalukuyang taon, tatangap ang barangay ng mga maaari pang mai-recycle mula sa
kanilang mga tahanan at may reward points sila sa mga kalakal tulad ng bote,
plastic, bakal, lata, karton at iba pang makukuha.
Dagdag pa niya na sa Point at ID system na ipatutupad, may katumbas na points ang mga kalakal na
kukunin ng barangay. Halimbawa, ang
limang kilo nito ay may katumbas na five points. Ang makakakuha ng mataas na
points ay may reward. Sinabi niya na ang barangay na ang kukuha ng mga recyclables.
“Sana ay ma-encourage tayo
kasi ito ay obligasyon natin,” ayon pa sa kanya.
Hinimok din niya ang kanyang mga kabarangay na magsimulang maghiwalay ng mga basura sa kanilang mga tahanan at ilagay ang mga hindi nabubulok sa sako para sa taga kolekta ng basura at iwanan ang mga nabubulok para gawin namang pataba sa halaman.
Hinimok din niya ang kanyang mga kabarangay na magsimulang maghiwalay ng mga basura sa kanilang mga tahanan at ilagay ang mga hindi nabubulok sa sako para sa taga kolekta ng basura at iwanan ang mga nabubulok para gawin namang pataba sa halaman.
“Ang nabubulok ay hindi na
natin isali sa basura. Ginawa na yan dati ng mga bioman natin. Wag na rin
nating itali o itapon lang kung saan saan. Huwag ganun. Ibahin na natin ang sistema. Kung walang basura kung saan saan lang, ay walang kakalatin ang aso,”
sabi niya.
Ayon pa sa kanya, maaari rin nilang
gamitin ang mga lumang gulong, balde at plastic containers para magtanim ng gulay sa kanilang bakuran.
Sinabi ni Abad na ang
kanilang barangay ay tinutulungan ng City Environment and Natural Resources
Office sa pamamagitan ng Environmental Management Services Division sa pagtuturo sa mga residente ng tamang paraan ng paghihiwalay
ng basura.
Pinagmulan ng ulat: Palawan
Daily News. (https://palawandailynews.com/city-news/brgy-mandaragat-to-implement-point-system-to-manage-solid-wastes/)
Nasa larawan: Si Barangay Captain Gerry Abad habang ipinapaliwanag sa
kanyang mga kabarangay ang tungkol sa point system ng programa sa pangongolekta
ng basura sa kanilang barangay. (Larawan mula sa City ENRO).
Thanks sa pag-LIKE at SHARE sa FACEBOOK
Click here to read our English Edition.
Martes, Hunyo 11, 2019
Saan itinatabi ng barangay ang mga census nila?
![]() |
| Barangay Hall of Krus na Ligas. Photo by: Inquirer.net |
Hi, nakatira ako sa Krus Na Ligas, isang barangay sa UP Diliman. Ibebenta na kasi ng UP ang KNL sa LGU namin which is Quezon City. 45 years na kami sa barangay nakatira (45 yrs old na papa ko dito na ipinanganak at lumaki) 30 years ang requirement na pagkakatira sa barangay para mapasa amin ang lupa at maging legitimate na naninirahan kami sa barangay. Ang kaso, informal settler nga kami walang legal documents (lahat ng nakatira sa barangay ay walang legal documents to back it up. Census ang isa sa naiisip kong lehitimong dokumento para maback up to.
Btw, napagawa na kasi bahay namin noon pa narennovate maraming taon na lumipas. (20 yrs old na pala ako btw na naninirahan sa baranggay) kaya yung mga nakadikit sa una naming pinto wala na (ung mga sticker census din ata yon alam ko)
Nasa link ang sa baba ang iba pang impormasyon kung curious kayo
Reposted from Reddit. https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/byxng9/saan_itinatabi_ng_barangay_ang_mga_census_nila/
EDITOR’S NOTE: Ang isyung ito ay hindi lamang sa Barangay Krus na Ligas nangyayari kung hindi sa marami pang mga barangay sa bansa. Magandang mapag-usapan dito. Magbigay ng inyong komento bilang reaksiyon o ikwento kung nangyari din sa inyo at posibleng mai-post natin dito. Samantala, ang barangay na ito ay bahagi ng ating kasaysayan sapagkat dito umano nagpahinga si Andres Bonifacio at ang ibang pang kasama niyang mga Katipunero noong panahon ng himagsikan. Ang isa pang nakalulungkot sa bahaging ito ng kasaysayan ay ang pagputol umano sa daang-taong puno sa harap ng barangay hall na siyang nagsilbing pahingahan nila Bonifacio.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)


