Miyerkules, Abril 29, 2020

2 barangay sa Cagayan isinailalim sa total lockdown


Isinailalim sa total lockdown ang dalawang barangay sa bayan ng Baggao, Lalawigan ng Cagayan matapos magpositibo ang isang animnapung taong gulang na lalaki sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Mayor Joan Dunuan, isasailalim sa lockdown ang mga barangay ng Tallang at Remus na posibleng pinuntahan ng kumpirmadong COVID-19 positive na pasyente.

Ang lockdown ay epektibo simula Abril 28, 2020, 12:01 ng madaling araw at ang mga lugar na nasa lockdown ay obligadong magsuot ng face masks kahit nasa loob ng bahay.

Ayon kay Dunuan, agad silang nagsagawa ng contract tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng pasyente kabilang na ang kaniyang mga kapamilya at iba pang mga nakasalamuha sa kanyang pinagtratrabahuhan bilang isang magsasaka at nagtitinda ng karne.

"Malaking hamon sa amin ngayon ang contact tracing dahil ang pasyente ay maraming nakaugnayan bago pa man napag-alaman na positibo siya sa virus. Magsasaka kasi siya at noong nagpaani siya ay marami siyang mga taong kasama, noong inatake siya ng sakit ay may mga barangay tanod pa na tumulong sa kanya," ani Dunuan.

"Maliban pa riyan ay magkakatay siya ng hayop at ibinebenta ito sa palengke kayat napakaraming tao ngayon ang hinahanap namin na posibleng nakasalamuha niya, " dagdag pa ng alkalde.

Ayon kay Dunuan, palaisipan pa rin sa kanya kung papaano nahawa ng virus ang pasyente gayong hindi ito lumalabas ng bayan.

Gayunman, dalawang bagay ang isinaisip nitong posibilidad na pinanggalingan ng kumapit na COVID-19 sa kanya: maaring sa kanyag anak na galing Taiwan noong Pebrero 15; at maaring sa mga nagdedeliver ng mga pagkaing papasok ng Baggao mula sa ibang mga lugar na may food pass.

Sa ngayon ay nasa quarantine facility na ang mga taong na-trace at minomonitor ng Municapal Health Office at ng mga opsiyal ng lokal na pamahalaan.

Pinag-aaralan na rin ngayon ng mga opisyal kung papaano ipatutupad ang General Community Quarantine matapos may nagpositibo sa kanilang lugar. (Content and photo reposted from MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)


LIKE and SHARE US on FACEBOOK

Huwebes, Abril 16, 2020

Barangay chairman sa San Pablo City tinaga ng inaanak na adik, patay



Patay ang isang 57 anyos na acting barangay chairman matapos hatawin ng matalas na itak ng drug addict na suspek na kanyang inaanak sa harapan ng  barangay hall ng Barangay Sta Ana nitong nakaraang Lunes ng umaga, April 13, 2013.

Kinilala ni PLt.Col Elmer Bao., hape ng San Pablo police, ang biktima na si Larry Rosales, na kasalukuyang barangay chairman ng Bgy. Sta Ana, sa lungsod Namatay si Rosales bunsod ng malalim na sugat sa leeg gayundin sa kanyang ulo sa San Pablo City Medical Center sa loob isang oras.

Samantala, matapos ang pananaga sa biktima, agad namang naaresto ang suspek na kinilalang si Pablito Hernandez, 45, walang hanabuhay at residente sa nasabing Barangay.

Nabawi ng imbestigator mula sa suspect ang matalas na gulok na ginamit sa pananagawa sa biktima.

Si Hernandez, ayon sa pulisya ay sabog sa ipinagbabawal na droga na nagtamo naman ng dalawang tama ng bala sa hita at kamay ng tangkain nitong tumakas.

Dakong alas 10:30 ng umaga kahapon ng magtungo sa barangay hall ang suspek dala ang isang bag na naglalaman ng itak.

Kinausap umano ng suspek ang opisyal upang humingi ng passes para makalabas ng barangay subalit hindi  ito  napagbigyan.

Dahil sa pagkabigo ay inilabas ng suspek ang matalas na itak saka inundayan ng taga ang biktima. (Contents reposted from Journal Online)                         

IN PHOTO: Ang duguang suspect na si Pablito Hernandez matapos na mabaril sa paa at kamay ng mga rumespondeng SWAT nang magtangka itong tumakas. 

LIKE and SHARE US on FACEBOOK



Martes, Abril 14, 2020

DILG, nagbabala ukol sa mga barangay checkpoint


Sa kabila ng pasya ng Department of Interior and Local Government na alisin na ang mga barangay tanod sa mga checkpoint, national highway man o sa mga barangay, may ilang mga barangay sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija na natagpuang hindi pa nagtanggal ng kanilang barikada nitong Abril 1. May ilan pang barangay tanod ang nakaduty na ayon sa kanila ay pinagluto raw sila ng kanilang barangay chairman.

Ang rason kung bakit tatanggalin na ang mga barangay tanod sa mga checkpoint, sila daw ang humaharang sa mga food lane truck ng matagal na syang sanhi ng pagbagal kung saan dapat ito madeliver. Kung mayroon mang mag-du-duty sa mga checkpoint na mga tanod, ito ay isusupervise ng mga pulis at mga sundalo para maging maayos ito.

Ayon pa sa DILG, dapat alisin na rin sa mga barangay ang itinambak na nga buhangin at barikada papasok sa kanilang mga barangay, at ipull-out na ang mga tanod na nakaduty. (Contents reposted from Eagle News)

LIKE and SHARE us on FACEBOOK.

Lunes, Marso 23, 2020

Barangay Quarantine Pass Iligal - DILG



Pinagsabihan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ang mga opisyal ng barangay na wala silang awtoridad para maningil para sa pinamimigay na quarantine pass sa kanilang mga nasasakupan.

Ginawa ito ng opisyal dahil sa mga ulat na ilang barangay ang naniningil para sa iniisyu nilang quarantine pass at maging mga food stub.

"Sana gamitin ng mga barangay captain at mga konsehal ang kanilang mga utak. Sa panahong ito, nakadagdag pa sila sa problema ng Pilipinas kung hindi nila pag-iisipang mabuti ang kanilang mga ginagawa,” sabi ni Malaya sa panayam ng himpilang DZBB nitong Linggo.

Binigyang-diin pa nito na wala namang binigay na pahintulot si Pangulong Rodrigo Duterte at maging ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IAFT-EID) para mag-isyu ng sarili nilang quarantine pass ang mga barangay.

Ayon kay Malaya, ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay ay tulungan ang kanilang mga kalugar sa kinakaharap na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)


Sinabi pa nito na wala ring awtoridad ang mga barangay na maglagay ng mga checkpoint na hindi ikino-coordinate sa kanilang mga alkalde.

Binanggit pa ni Malaya na may mga ulat din na naglalagay pa ng kondisyon sa iniisyu nilang quarantine pass ang mga barangay katulad ng pagtatakda ng oras para bumili ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng isang pamilya.

Ayon kay Malaya, iligal ang mga ganitong ginagawa ng mga barangay at maaari silang panagutin sa batas.

Higit sa lahat, hindi na aniya kinakailangan pang magpatupad din ng lockdown sa kanilang lugar ang mga barangay dahil isinailalim na nga sa enhanced community quarantine ang buong Luzon,’

“Under the Luzon-wide quarantine, hindi na po kailangan ang local lockdown, except dun sa mga lockdown na extreme at para lamang ito mga hot zone na may maraming kumpirmadong COVID-19 cases,” ayon pa kay Malaya. 

(Buong ulat nagmula sa: Abante Tonite https://tonite.abante.com.ph/barangay-quarantine-pass-iligal-dilg/)