Nagsanay kamakailan ang mga tauhan
ng barangay sa Davao sa ‘Mobile Journalism’ para mag-ulat ng mga insidente ng illegal
logging sa bayan ng Monkayo, Campostela.
Ang pagsasanay ay proyekto ng Department
of Environment and Natural Resources XI, sa ilalim ng programa ng Monitoring
and Coordinating Council ng National Task Force Diwalwal (PMCC-NTFD).
May 20 katao mula sa apat na
barangay na kabilang sa Diwalwal Mineral Reservation Area (DMRA) ang lumahok sa
pagsasanay sa Cellphone Photography at Videography na ginanap sa Grand Regal
Hotel sa Lungsod ng Davao noong ika-15 hanggang 17 ng Pebrero, 2016.
Ang mga barangay na kalahok ay ang
Barangay Salvacion, Mt. Diwata, Tubo-tubuo at Upper Ulip na pawang nasa Bayan
ng Monkayo, Compostela Valley.
Binigyan diin ni Atty. Chelin Joan
Sonza Alug, hepe ng administration
division at PMCC Regional Program Coordinator, na layon ng pagsasanay na
paigtingin ang pangangalaga ng kagubatan sa pamamagitan ng mga citizen-journalists.
“Inaasahan po namin kayo na
magpapadala ng mga larawan at video ng mga iligal na gawain sa inyong
nasasakupang lugar” sabi Atty. Alug sa mga lumahok sa seminar.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento