Huwebes, Marso 23, 2017

DIGONG GUSTO MULING IPAGPALIBAN ANG HALALANG BARANGAY

Gusto ni Pangulong Duterte na muling ipagpaliban ang 

halalang barangay ngayong taon. 

Sa kanyang pahayag sa First General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines(LMP) sa Manila Hotel kamakailan, sinabi niya na ayaw  pa niyang magkaroon ng halalang pambarangay sa taong ito dahil sa impluwensiya ng pera mula sa iligal na droga tuwing may eleksiyon.

Si Pangulong Rodrigo Duterte                                    Photo from Rappler
“Dahil sa anim o pitong taonng nakalipas, isa na tayong narco-politcs state,” sinabi ng Pangulo sa may 1,300 na punong bayan na dumalo sa general assembly. 
 “Kailan pa tayo makakaasa ng malinis na eleksiyon na hindi malaya sa impluwensiya ng pera galing sa droga?  Ngyong taon?  
"Sinabi ko kay Senate President Aquilino Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez na sabihin sa mga mambabatas na kung magkakaroon ng halalang barangay ngayon…patay,” ayon sa kaniya. 
 “Sa mga susunod na election, nakapwesto na ang mga ‘yan,” sabi ng Pangulo  na ang tinutukoy ay ang mga opisyal ng barangay na suportado ng perang galing sa iligal na droga.
Ang halalang barangay at Sanguniang Kabataan ay naipagpaliban noong ika-31 ng Oktubre 2016 at naitakda sa darating na ika-23 ng Oktubre ng taong ito.
Sinabi rin ng Pangulo na maaaring nagamit din noong nakaraang election ang perang galing sa droga ng ilang mga kandidato.
Sa kanyang talumpati na tumagal ng isang oras at 15 minuto, muling ibinaling ng pangulo ang kanyang paksa sa problema ng iligal na droga.
Sa may halos sa ikatlong bahagi ng kanyang pahayag, ipinakita niya ang isang makapal na folder na may nakatatak na:  “Updated as of January 30…” na nagsasaad ng sitwasyon ng droga sa buong bansa.
Biniro pa niya ang mga dumalong punong bayan habang sinusuri ang mga pahina.
 “Mukhang nakita ko ang pangalan ninyo dito….Hindi rito, sa attendance,”  pabiro niyang sinabi na umani ng mga palakpak at tawanan at siyang pumunit ng halos nakabibinging katahimikan sa bulwagan.
Ngunit sinabi pa rin ng Pangulo na talagang may mga punong bayan sa listahan pero hindi niya binanggit ang mga pangalan.
Sinabi rin niya na may 6,000 pulis ang sangkot sa iligal na droga at halos 40 porsiyento o 16,814 ng mga  barangay sa bansa ang nasa ilalim ng impluwensiya ng droga.
Sa isang bahagi ng kanyang talumpati, may ilang segundo rin na mabilis niyang inisa-isa ang mga pahina ng napakakapal na file.  Ang tunog lamang nito ang maririnig sa gitna ng katahimikan.
 “That’s how thick it is,” sabi ng Pangulo.
“That’s why I told Congress… Paano ba ‘yan? You want barangay elections? Who will win?  Those who have money. Money generated from somebody else’s pocket?  Meron, pero druga…,,” dagdag pa ng Pangulo.
Sinabi ng isang mayor mula sa Western Visayas na dumalo sa pulong na welcome sa maraming alkalde ang pagpapaliban ng halalan  dahil  “mas liliit ang gastusin namin at makapagtatalaga kami ng taong gusto namin sa puwesto.”  (Isinalin sa Filipino at hinango mula sa inquirer.net)
Sa Susunod: Digong Gustong Magtalaga ng Barangay OICs Kapag Hindi Natuloy ang Halalan







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento