Pinag-aaralan ngayon ng DILG at mga lokal na pamahalaan na pag-isahin na ang pag-iisyu ng barangay clearance at business permit sa bawat lungsod at bayan sa buong bansa.
Sinabi ni DILG Officer-in-Charge Catalino S. Cuy sa isang consultation-workshop na ginanap kamakailan na tinitipon na nila ang lahat ng mungkahi mula sa mga LGU bilang bahagi ng pagsasa-ayos ng pangongolekta ng mga bayarin sa barangay.
Ito ay bilang paghahanda sa pagpapatupad ng sistemang kasama na ang barangay clearance sa ini-isyung business permit ng Business Permit at Licensing Office (BPLO) ng mga LGU.
“Sa simula pa lamang, may malinaw na direktiba na ang Pangulong Duterte na pabilisin ang proseso ng pag-iisyu ng business permit ng mga LGU. Mas lalong ma-eenganyo ngayon ang mga negosyante na makipagtransaksiyon sa mga LGU dahil mas mabilis na silang mabibigyan ng permit ng mga lokal na pamahalaan” sabi ni Cuy.
Bago pa ito, inatasan ng Pangulo ang lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan na bawasan ang mga requirements sa pakikipag-transaksiyon sa gobyerno para mas mapabilis ang mga pangunahing serbisyo.
Sa nasabing workshop na ginanap sa Napolcom-DILG Center, isa sa mga nag-share ng kanilang karanasan
sa pagsasanib ng barangay clearance sa kanilang sistema ay ang Lungsod ng Valenzuela.
Sa kasalukuyan, 22 na sa 33 barangay ng Valenzuela ang may ordinansa na nagbibigay kapangyarihan sa lungsod na mangolekta
ng mga bayarin para sa barangay business permit.
Ang ilan sa mga dumalo sa nasabing pulong ay mga BPLO ng
Valenzuela, Marikina, Paranaque, Manila at Quezon City.Naroon din ang mga kagawad ng Barangay San Roque ng Marikina at Barangay Gen. T. Deleon ng Valenzuela, mga model LGUs sa pagbabalangkas ng polisiya at alituntunin para mapabuti pa ang sistema sa pag-iisyu ng business permit.

Nasa pulong din ang mga kinatawan ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) sa ilalim ng Department of Finance at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang DILG, sa pamamagitan ng Bureau of Local Government
Development (BLGD), ay magsasagawa na ng mga hakbang at gawain para mas makubinsi
at makuha ang suporta ng publiko sa pagpapatupad ng sistema.
Nagsimula na rin ang konsultasyon ng mga BPLOs, Department of Trade and Industry (DTI), National Competitiveness Council (NCC) at Department of Finance (DOF) tungkol sa standardization ng mga forms na gagamitin. (DILG News Archives) Photo Credit: Wikipedia.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento