Nagpahayag ng magkakaibang pananaw
ang mga senador sa panukalang ipagpaliban ang halalang barangay.
“Pag may postponement, may holdover status at sa palagay ko, ayon sa isinasaad ng ating mga batas, hindi kinakailangan ang holdover status
ng mga halal na opisyal. Hindi rin maaring basta-basta na lamang sila tatanggalin sapagkat sila ay naihalal.
Dapat may tamang proseso dahil halal sila ng taumbayan at kadalasan, ang basta pagtatalaga lamang ay hindi pinapayagan ng batas”.
Sa kanyang talumpati naman kamakailan sa ginanap na Strategic Consultation and Workshop on Federalism, Barangay Reform, and Role
of Barangays in National Security Concerns na inorganisa ng Liga ng mga
Barangay, hinamon ni Senador Aquilino Pimentel lll ang mga punong barangay na
linisin nila ang kanilang hanay para mapatunayan nila kay Pangulong Duterte na
walang katotohanan ang napaulat na aabot sa 40 porsiyento ng mga namumuno sa
barangay ay sangkot sa iligal na droga.
“Kung mali ang naturang report,
marahil ay wala nang dahilan para pag-usapan pa ang pagtatalaga at pagpapalit ng
mga opisyal ng barangay," sabi ni Pimentel.
Subali’t dagdag niya na kailangang
patunayan ng mga punong barangay sa Pangulo at sa mga anti-drug agencies tulad
ng Philippine National Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency na
walang katotohanan ang nasabing report.
“Kaya sa palagay ko ay isang hamon
iyan sa bawa’t isa sa inyo,” ayon saPangulo ng Senado.
Sinabi pa ni Pimentel na”kung ang
isang barangay ay drug-infested, heavily drug-infested, ang ating intelligence
community ay hindi malayong mag-isip na sangkot nga sa droga ang mga pinuno ng
barangay…natural lang na maging ganoon ang kanilang paniniwala."
Hinimok din ni Pimentel na
kailangang ipakita ng pamunuan ng barangay sa mga gumagawa ng polisiya na sila ay masugid sa pagpapaigting ng kanilang pagkilos para masugpo ang salot na droga.
Madalas nang mabanggit ni Pangulong
Duterte na ginagagamit lang ng mga sindikato ng droga ang halalang barangay para sa
kanilang kapakanan. Naniniwala si
Pangulong Duterte na kapag natuloy ang halalan, ang mga kandidatong may
kuneksiyon sa droga ang tiyak na mananalo.
Ayon sa mga umiiral na batas, kinakailangang
maamyendahan muna ang batas bago makapagtalaga ang Pangulo ng mga opisyal sa
mahigit na 42,000 barangay sa bansa.
Samantala, isinulong ni Senate Majority
Leader Vicente Sotto ang Senate Bill 1469 noong ika-23 ng Mayo 2017 na nagsasaad
na sa halip na sa ikaapat ng Lunes ng Oktubre 2017 ganapin ang halalang
barangay at SK, ipagpaliban na lamang ito sa Oktubre 2018. Sinabi niya na magbibigay daan ito para
maimbistighan ang mga may kuneksiyon sa iligal na droga.
Sinabi naman ni Sen. Francis
Escudero na karapatan ng Kongreso na itakda ang termino ng mga opisyal ng
barangay gayundin ang petsa ng halalan at tinanong din niya kung gaano katagal ito ipagpapaliban.
"So hold-over lang ba ang istado nila
o tatanggalin? At kung sila ay tatanggalin
dapat nating alalahanin na halal na opisyal ang mga ito. Dapat din nating kilalanin na pinili sila ng
kanilang mga nasasakupan at hindi natin maaring suwayin ang hangad ng
taumbayan."
Hinimok din ni Escudero ang Department of Interior and Local Government na
magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga napaghihinalaang opisyal ng barangay, kung
may mga ebidensiya na kakutsaba nga sila ng mga sindikato sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Pinuna naman ni Senator Sherwin
Gatchalian ang DILG sa hindi nito pagsasagawa ng nararapat na aksyion laban sa mga opisyal
ng barangay na sangkot sa iligal na droga.
“Ano nangyari sa loob ng isang taon? Ang katwiran sa unang pagpapaliban ay
tanggalin ang sinasabing 40 porsiento ng mga kapitan ng barangay na sangkot sa
iligal na droga. Ang tanong ko, ano na
ang nangyari doon sa 40%, tinanggal na ba?”
Hiningi niya na magbigay ang DILG ng
ulat dahil malaki na ang panahong ibinigay sa departamento na linisin ang hanay
ng barangay.
Para kay Senador Franklin Drilon naman, sa
pagpapahayag ng kanyang pagtutol sa posibleng pagpapaliban ng halalan, ang
taumbayan ang siyang dapat na pumili ng kanilang mga pinuno sa pamamagitan ng isang
bukas at malinis na halalang barangay at SK. (SunStar Philippines)
Photo Credits: bamaquino.com; en.wikipedia.org; untvweb.com; rappler.com; politics.com.ph; gmanetwork.com. English Version: Barangay Reporter
Photo Credits: bamaquino.com; en.wikipedia.org; untvweb.com; rappler.com; politics.com.ph; gmanetwork.com. English Version: Barangay Reporter
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento