Iloilo City – Hindi bibigyan ng permit para sa anumang mga gawain ang barangay na hindi tumutulong
sa pagsugpo ng iligal na droga, ayon kay Kon. Reyland Hervias, Pangulo ng Liga ng mga Barangay ng Iloilo City.
Ang mga permit na ito ay
kinabibilangan ng mga gawain tulad ng mga parada, programa, perya, sound system, ‘binayle’ o benefit dance at iba pa, ayon sa Punong Barangay na nakaupo bilang Konsehal sa Sangguniang Panglunsod ng Iloilo na may 180 na barangay.
Tanging mga “gawaing pang relihiyon”
lamang sa mga barangay na ito ang iisyuhan ng permit tulad ng prusisyon, bigay diin ni Hervias.
Ang mga Sangguniang Barangay ay
tinaningan hanggang katapusan ng Agosto 2017 na maipakita na nakasunod sila sa mga panuntunan para maideklarang drug-free na ang kanilang lugar.
“Sa katapusan ng Agosto, malalaman
na namin kung aling barangay ang nakatupad at alin ang hindi o hindi man
lang nagisisikap na makatupad,” ayon pa kay Hervias.
Binalaan niya na mahaharap sa mga
kasong administratibo ang mga opisyal ng barangay na hindi nakikipagtulungan.
“Sa katunayan, gusto nga silang
matulungan ng mayor na bumisita sa iba’t-ibang barangay ng lungsod kamakailan,” sabi ni
Hervias.
Samantala, binigyang diin ng isang DILG
memorandum ang kahalagahan ng anti-drug
abuse councils (BADACs) na pinamumunuan ng punong barangay sa kampanya laban sa
iligal na droga.
Sa ilalim ng DILG memorandum, ang hindi
paglalaan ng bahagi ng kanilang budget para masuportahan ang Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002 ay dahilan para hindi maaprubahan ang taunang budget ng
barangay.
Hinihimok ni Mabilog ang mga Ilonggo
na baguhin ang negatibong tingin sa Lungsod ng Iloilo. Tinawag ni pangulong Duterte and Iloilo na “most
shabu-lized” at “bedrock” ng iligal na droga.
Hinimok rin ng alkalde ang media na ipahayag ang “tunay na larawan” ng
Iloilo “sa mundo.”
Para sa Philippine Drug Enforcement
Agency at Philippine National Police, maaari nang ideklara na drug-free ang
isang barangay kung natupad na ang mga sumusunod:
* wala
nang makuha o mabiling droga sa lugar
*wala nang iligal na
droga na dumaraan sa barangay para ipamahagi sa ibang lugar
* walang laboratoryo sa paggawa ng
iligal na droga
* walang bodega ng iligal na droga
*walang pataniman ng marijuana
*walang drug den
*walang drug pusher
*walang drug users/dependents
*walang mga protector at financier
Kailangang ang mga barangay council
o BADAC ang maghanda ng mga dokumento tungkol dito.
Sinabi ni Hervias na nahihirapan ang
mga barangay na kumbinsihin ang mga drug personality na sumailalim ng
rehabilitasyon.
Diin pa ni Superintendent Remus
Zacharias Canieso, City Police Director, ang rehabilitation ay kinakailangan
sa pagsugpo ng droga. Ang Iloilo City
Police Office ay bahagi ng oversight committee na umaalam kung nakatutupad ang mga barangay.
“Kung may drug users dapat
mag-conduct ang mga barangay councils ng drug rehab program. Hindi pwedeng may drug users sa barangay tapos
walang intervention na ginagawa,” sabi ni Canieso. (Panay News)
Photo Credit: Iloilo City Hall, iloilocity.gov.ph
Like us on Facebook and Share.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento