Lunes, Oktubre 2, 2017

Lisensya, permit sa barangay 1 araw na lang



Mapapabilis na ang proseso ng business permit oras na maisabatas ang panukalang inaprobahan sa Kamara.
Sa ilalim ng panukala, ang pagproseso ng lisensiya, clearance o permit ay hindi dapat lumagpas ng isang working day para sa barangay governments, habang 3 working days naman sa simple applications at 10 working days naman sa ‘complex applications’ simula ng araw na matanggap ang aplikasyon.
Para naman sa ‘special type’ na negosyo na nangangailangan ng clearance, accreditation o lisensiya mula sa ahensiya ng gobyerno kung saan kinakailangan ang technical evaluation sa proseso ng lisensiya, clearance o permit, ang proseso ay hindi dapat lumagpas ng 30 wor­king days.
Aprobado na ng House committee on trade and industry ang panukalang “An Act Establishing a National Policy on Ease of Doing Business, Crea­ting for the Purpose the Ease of Doing Business Commission.”
Ito ay kahalili ng House Bill Nos. 2171, 5031, 5093, 5383, 5634, 5809, at 6401 na iniakda nina Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, Bohol Rep. Arthur Yap, Quezon City Rep. Winston Castelo, ParaƱaque City Rep. Gus Tambunting, Bukidnon Rep. Manuel Zubiri at Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte.
Ayon kay Villafuerte, lumago ang foreign investment ng mga kalapit na bansa dahil sa mas pinasimpleng proseso at pinaigsing processing period ng mga aplikasyon sa pagnenegosyo.
“The Philippines is ranked 171st out of 185 economies in the ease of doing business. There are ­currently now 16 procedures and 28 days to start a business, compared to the ­region’s average of 7 procedures and 23 days.
Basically we want to be at par or maybe better than these regio­nal neighbours,” paliwanag ni Villafuerte. (Thanks to Abante)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento