Ayon sa isang report ng CNN, kahirapan, kawalan ng sapat na social services para sa mga mamamayan at walang sariling lupang kinatitirikan ng tahanan at pinagkukunan ng kabuhayan ang ilan sa mga nakalulungkot na sitwasyon na kinakaharap araw-araw ng may 2,015 na residente ng Fuga Island sa bayan ng Aparri sa Cagayan.
May sukat na 7,000 ektarya (kasing laki ng Quezon City), ang islang ito ay kabilang sa Babuyan Islands na nasa may dulong bahagi Hilagang Luzon.
Ito ay pag-aari ng Fuga Island Holdings, isang pribadong korporasyon, at karamihan ng mga residente rito ay nakatira sa may dalampasigan ng Naguilian (Musa) community na nasa katimugang bahagi ng isla.
Para makapunta sa Fuga Island, may 2 hanggang 3 oras na byaheng ferry service mula sa
Claveria, Cagayan. Mayroon din itong mahigit isang kilometrong habang paliparan para sa mga light planes.
Sa kasalukuyan, ang barangay na ito ay pinamumunuan ni Punong
Barangay Melchor A. Visario. (News and video credits: CNN and YouTube)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento