Isinulong ni Manila Teachers Partylist Rep. Virgilio Lacson ang pagkakaroon ng mga internet hub sa bawat barangay na may kumpletong kagamitan at internet hindi lamang para sa mga estudyante kung hindi pati na rin sa ibang residente na gustong gumamit nito.
Isinumite niya ang House Bill No. 7398 o ang Barangay Internet Hubs Act para sa libreng internet sa bawat mamamayan upang matulungan silang magkaroon ng pagkakataong mag-aral at matuto, alamin ang mga mahahalagang balita at palawigin pa ang kanilang kaalaman at kakayahan.Sa kanyang explanatory note, sinabi ni Lacson, Chairman ng House Committee on Micro, Small and Medium Enterprise Development, na ang COVID-19 pandemic ay nagdulot ng maraming hamon sa mga mag-aaral, propesyunal at indibidwal pagdating sa kanilang edukasyon at career development.
“Sa ngayon, naging isa na sa mga pangunahin pangangailangan ang internet connectivity para sa ating kaalaman,” ayon sa mambabatas.
Dahil dito, bibigyang daan ng HB 7398 ang paglalagay sa bawat barangay ng mga electronic gadgets at libreng kuneksyion sa internet at WiFi.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga ito ay para magamit ng mga residente sa pag aaral, paghahanap-buhay at self-improvement.
Kabilang na sa panukala ang mga naunang internet hub na nasa mga barangay na ngayon na nilikha ng kani-kanilang mga barangay ordinance.
Ang kinakailangang pondo para maisakatuparan ang panukalang batas na ito ay manggagaling sa annual appropriations ng mga local government units (LGUs).
Ang Secretary of Department of
Interior and Local Government (DILG) at ang Secretary of the Department of
Information and Communications Technology (DICT) ang siyang magsasagawa ng implementing rules and regulations nito sa
loob ng 90 araw matapos itong magkabisa. (Translated from MANILA BULLETIN) Photo from dreamstime
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento