Sinuportahan ng U.S. government, sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID), ang may 70 barangay leaders sa Quezon City para sa paggawa ng project proposals para matugunan ang mga mga pangangailangan ng out-of-school youth (OSY) sa kanilang mga komunidad.
Sa isang grant na in-award sa Quezon City University (QCU) noong September 2021, ang mga barangay leaders na kinabibilangan ng mga local government officials, miyembro ng mga youth council, gayundin ng mga leaders ng local community organizations ay naka-kumpleto ng six-month “Executive Course para sa Barangay Leaders on System Delivery Support for OSY” na isinagawa mula noong November 2021 hanggang April 2022.
Ang grant ay bahagi ng kung tawagin ay USAID five-year, Opportunity 2.0 program na nagkakahalaga ng P1.9 billion ($37.5 million). Ito’y isang programa na dinisenyo bilang suporta sa mga programa at mekanismo para sa mga Filipino Out of School Youths o OSYs para mapag-ibayo pa ang kanilang pagaaral, trabaho at kabuhayan pagdating ng taong 2025.
“Dahil sa inyong katapatan, katatagan at kasipagan, mas marami pang kabataang Filipino ang matutulungang tumaas ang antas ng kakayahan, na magtagumpay at maging productive members ng kanilang mga komunidad,” sabi ni USAID Philippines Education Director Dr. Thomas LeBlanc sa pagtatapos ng palatuntunan noong July 26.
“Ang pamahalaan ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng USAID, ay nanatiling tapat sa pakikipagtulungan nito sa inyong lahat sa ating nagkakaisang layunin na bigyan ng kasangkapan ang kabataang Filipino ng mga pagkakataong kailangan para sa magandang kinabukasan nila .”
Sinabi ni QCU President Dr. Theresita Atienza na ang “USAID Opportunity 2.0 program ay nagbigay ng malinaw na direksiyon sa amin kung paano maging akma ang aming mga programa para sa Out-of-school-youths.”
“Sinuportahan din ng USAID ang pagtatatag ng isang Youth Development Alliance sa Quezon City, na naglalayon na mapalakas ang mga key players at mga samahan mula sa private at public sectors para ipatupad ang pinagsanib na mga youth development activities. (PhilStar)
NASA LARAWAN: Mula sa Kaliwa: Si Quezon City University Dr. Theresita Atienza, USAID Philippines Education Director Dr. Tom LeBlanc, at USAID Opportunity 2.0 Chief of Party Dr. David Hall na nagbigay ng certificate of completion kay Barangay Culiat Kagawad Marichu Montehermoso (pangalawa mula sa kanan) sa closing ceremonies ng “Executive Course for Barangay Leaders on System Delivery Support for OSY” program noong July 26, 2022. (USAID photo).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento