Marami pang dapat gawin para mabawasan ang mga plastic na basura
sa mga dalampasigang barangay ng Cagayan de Oro City.
Base sa obserbasyon ni Chairman Allan Mabalacad ng Barangay
Bonbon matapos ang taunang International Coastal Cleanup (ICC) Day na kung saan
kasali ang 13 barangay, kailangang may matibay na patakaran para maiwasan ang
pagdami ng mga plastic na basura.
Sa isang panayam, sinabi niya na kaya mas maraming basurang
plastic sa lugar ay dahil sa mga beach resort dito.
Ayon naman kay Maria Judelyn Pueblos, isa sa mga volunteers, karamihan
sa mga nakuhang basura ay plastic bottles at wrappers.
Ang katatapos na clean up drive sa Cagayan de Oro ay nagmula
sa Barangay Lapasan nitong nakaraang Biyernes ng buwang kasalukuyan at kinabibilangan
ng iba pang mga barangay tulad ng Lapasan, Agusan, Bayabas, Bulua, Bugo,
Cugman, Gusa, Macabalan, Puntod, Puerto, and Tablon.
Layon ng ICC Day na pakilusin ang maraming tao sa buong
mundo para alisin ang mga basura sa mga dalampasigan, ilog at lawa.
Ito ay idinaraos tuwing ika-tatlong Sabado ng Setyembre
taun-taon.
Ayon sa mga environmentalists, ang top five sa mga nakokolektang
bagay tuwing may ICC clean-up ay upos ng sigarilyo, plastic na bote ng soft
drinks, plastic wrappers, plastic na takip ng bote at plastic straws.
Ayon naman sa pahayag ng international group na Surfrider
Foundation, lahat ng mga basurang nakokolekta ay yari sa plastic. Ang katangian ng
plastic na angkop at matibay na gamit pambalot ay isa ring environmental nightmare.
Dahil ito ay non-biodegradable o hindi nabubulok,
nagpipira-piraso sila sa pagkakabilad sa araw at kapag ang mga maliliit na
piraso nito ay nanuot sa kapaligiran natin, malaking pinsala ang dulot nito sa ating wildlife at marine ecosystem.
Bagama’t ang Department of Environment and Natural Resources-Northern Mindanao ay wala pang datos kung gaano karami ang kabuuang volume ng mga basurang nakukuha, sabi ng mga volunteers at opisyal ng barangay na ang karamihan sa mga basurang nakokolekta ay m ula sa plastic.(Philippine News Agency) PHOTO: Couples for Christ MisOr
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento