Lunes, Setyembre 26, 2022

Mga barangay sa Valenzuela City gagawing eco-tourism zones




Kaalinsabay ng plano ng  Lungsod ng Valenzuela na gawing eco-tourism at livelihood training zones ang Barangay Tagalag at Bisig, nag-conduct ito ng Tourism Livelihood Training para sa mga residente ng dalawang nabanggit na barangay - sa pakikipagtulungan at suporta ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong September 15, 2022.

Ang lungsod ay marami nang nauna pang pagkilos para i-develop ang Tagalag Fishing Village para makaakit ng turista. Isa sa mga ito ay ang livelihood training para sa mga small at medium vendors na isinagawa sa tulong naman ng Department of Tourism (DOT). 

Kamakailan, pinangunahan ng Bureau of Aquatic Resources-NCR ang pagsasagawa ng isang Tourism Livelihood Training na kung saan nakinabang ang may 20 residente mula sa Tagalag. Ang programang ito ay naaayon sa plano ng Valenzuela na mabigyan ng hanap-buhay ang mga taga barangay at gabayan sila kung paano makapag-simula ng negasyo - maliit man o malaki.  

Bahagi rin ito ng gustong mangyari ng pamunuan ng lungsod na gawing maginhawa ang  manirahan dito.  

Natutunan ng mga participants ang tungkol sa fish meat processing gayundin ang tamang paggawa ng fish ball at tamang proseso at sukat ng mga sangkap sa paggawa ng mga ito mula sa trainer ng BFAR.  

Sinabi ni Estrellita Fortunato, 62, isa sa mga nagsanay, na ang ganitong uri ng livelihood program ay nakatutulong sa mga maliliit na negosyanteng tulad niya.  

“Nadagdagan ang kaalaman ko lalo na kung paano ipi-preserve ang pagkain at kung ano pang ibang bagay ang maaring pagkakitaan,” sabi niya. 

Ang Barangay Tagalag ay napapaligiran ng tubig.  Minarapat ng pamahalaang lungsod na buhaying muli ang salinlahing tradisyon dito na isang fishing village para mapagkunan ng ikabubuhay ng mga tagarito.  Ang Tagalag ay nagantimpalaan na ng Galing Pook Award sa mabuting pamamahala sa barangay.  

Isinusulong nito ang lokal na turismo at ekonomiya sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa "tradisyunal na pangingisda na nasa isang makabagong lungsod", hindi lamang sa kanilang lugar at kung hindi pati na sa mga karatig barangay nito. Photo/Story translated from (Journalonline)  

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento