Napaulat kamakailan sa Inquirer na ang pinakamalaking barangay sa bansa, ang Barangay Bagong Silang na matatagpuan sa Lungsod ng Caloocan, ay maaring magkahati-hati sa pitong maliliit na barangay. Ito ay bunsod ng maraming reklamo na hindi nakararating ng husto ang mga pangumahing serbisyo sa mga tagarito. Ang resulta ay pahirap at panganib sa buhay ng may 245,000 na residente nito.
Barangay Bagong Silang |
Tulad halimbawa ng tinatawag na span of control. Kahit gaano kagaling ang isang tao, kapag lumampas na sa lima ang taong hawak niya, bumababa na ang kanyang tinatawag na effectiveness, ayon sa ilang management experts.
Maaring namamangha tayo sa maayos at epektibong pamamalakad ng mga malalaking organisasyon kahit libu-libo pa ang tauhan ng mga ito. Ang presidente ng kumpanya ay nasa 3 hanggang 5 bise presidente lamang kadalasan ang direktang hawak, gayundin ng mga nasa ilalim ng mga ito.
Ang isa pang mahalagang management principle ay ang delegation. Marami na akong pinuno na naobserbahan na laging natataranta dahil hindi sila marunong magbahagi ng trabaho sa mga tauhan at sila lahat ang pumapapel.

Ang delegation ay epektibo lamang kung ang mga nasa ibaba ay may kwalipikasyon at maasahan na gagawin ng tama ang ipinasang trabaho sa kanila.
Hindi ko maubos-maisip kung papaano ang istilo ng pamamahala ng mga namumuno sa Barangay Bagong Silang; bakit maraming residente rito ang nagrereklamo sa kalidad ng serbisyo ng pamunuan nito.
Ayon kay Caloocan Mayor Oscar Malapitan, sinusuportahan niya ang panukalang inihain kamakailan sa Sangguniang Panglungsod na hatiin ang naturang barangay.
Hindi ko maubos-maisip kung papaano ang istilo ng pamamahala ng mga namumuno sa Barangay Bagong Silang; bakit maraming residente rito ang nagrereklamo sa kalidad ng serbisyo ng pamunuan nito.
Location Map, Bagong Silang |
Simula pa noong Dekada 70, nagsilbing dalahan ang Barangay Bagong Silang ng mga pamilyang pinaalis sa iba’t ibang mga squatter areas (informal settlers na ang tawag sa mga ito ngayon) sa Metro Manila.
Ayon sa National Statistics Office, ang Bagong Silang ang pinakamalaking barangay sa Pilipinas kung ang paguusapan ay bilang ng populasyon nito. May sukat ito na 524.68 ektarya at tahanan ng mahigit 245,000 na residente o 16 porsiyento ng populasyon ng Lungsod ng Caloocan. Karamihan ng mga residente na inilipat dito mula pa noong panahon ni Marcos ay galing sa Tondo, Commonwealth at San Juan.
Halos ganito rin kalaki ang sukat ng barangay na tinitirahan ko pero wala pa kaming 10,000 residente rito.
At ito ang masarap na parte. Sa taong ito, maaring umabot hanggang P100 million ang IRA o Internal Revenue Allotment ng barangay na ito na matatagpuan sa dulong bahagi ng North Caloocan at karatig na ng Bulacan.

Bagama’t naipagmamalaki ng mga tagarito ang kanilang barangay bilang pinakamalaking barangay sa buong bansa, mas makabubuti na hatiin na ito ayon sa mga naninirahan dito, upang mas mapaganda ang pamamahala nito at pagkakaloob ng serbisyo sa mga residente.
Isa sa mga nairereklamo ay ang kakulangang ng mga health centers. Hindi makapunta at makapagpatingin ang karamihan ng mga residente dahil sa layo sa kanilang bahay ng mga ito.
Ang isa pang problema nila ay ang peace and order. Madalas maging laman ng mga pahayagan ang Bagong Silang dahil sa maraming krimen na nagaganap dito. Walang sapat na tanod at mga pulis ang barangay upang mapangalagaan ang katahimikan. May mga kwento pa ako na narinig na pati raw mga pulis takot pumasok sa barangay na ito.
Ayon kay Kagawad Carlito Peralta, mas makabubuti na hatiin na ang Bagong Silang sa mas maliliit na barangay dahil mas maraming opisyal ang makapag-lilingkod sa mga residente.
Ayon pa sa kanya, may 60 porsiyento ng mga tagarito ang pabor dito. Sa bandang huli, sila rin naman ang makikinabang.
Kapag naipatupad na ang panukalang paghahati ng Bagong Silang, mainam para sa mga tagarito. Mas marami na ang maari nilang maasahang maglilingkod sa kanila.
Mainam din para sa pitong kagawad nito. Hindi na sila maglalaban-laban pa sa puwesto ng kapitan dahil mahahati na ito sa kanilang pito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento