Huwebes, Setyembre 7, 2023

Mga pinag-aagawang barangay sa Makati sakop na ng Taguig





    Idineklara na ng Korte Suprema na ang mga pinag-aagawang barangay ng Makati at Taguig ay sakop ng Lungsod ng Taguig.                                                                                      Sa desisyon ng mataas na hukuman, ang Fort Bonifacio, Barangay Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, at Pitogo gayundin ang Philippine Army headquarters, Navy installation, Marines' headquarters, Consular area, JUSMAG area, Heritage Park, Libingan ng mga Bayani, AFP Officers Village, at 6 pang katabing barangay ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Taguig batay sa mga historical, documentary, at testimonial evidence.                         Ayon sa pahayag kamakailan ni dating Makati Vice Mayor ng Makati Ernesto Mercado, ipinaliwanag ng tagapagsalita ng Korte Suprema na si Brian Hosaka na ibinasura ng mataas na hukuman ang omnibus petition ng Makati City government na humihiling na iapela ang kaso ng land dispute sa Supreme Court En Banc dahil sa kakulangan ng merito.                                                                                     Ipinaliwanag din ni Hosaka na dahil naglabas na ng pinal na desisyon ang SC, hindi na ito tatanggap ng anumang pleading, mosyon, liham, o komunikasyon hinggil sa kaso. Ang desisyon ng Korte ay nag-utos din sa Makati City na sagutin ang mga gastos sa kaso ng land dispute.                                      Sinabi naman ng Taguig City na umaasa ang Makati City na makikipagtulungan para sa maayos na transisyon ng mga apektadong barangay upang matiyak ang tuluy-tuloy na serbisyo publiko at para sa kapakanan ng mga dating residente ng Makati.                                                                         Ayon naman sa isang dating residente na ipinangak at lumaki sa Makati, malaki ang magiging implikasyon ng desisyong ito sa mga institusyong tulad ng Unibersidad ng Makati na matatagpuan sa West Rembo at sa Ospital ng Makati na nasa Barangay Pembo na naglalagay na sa parehong pasilidad sa hurisdiksyon ng Lungsod ng Taguig.          Sa paglilipat ng mga barangay, napakarami rin ang dapat isaalang-alang sa transisyong magaganap, aniya. (Inquirer.net)    PHOTO CREDITFB Page Ospital ng Makati

 

 


          

Lunes, Setyembre 26, 2022

Mga barangay sa Valenzuela City gagawing eco-tourism zones




Kaalinsabay ng plano ng  Lungsod ng Valenzuela na gawing eco-tourism at livelihood training zones ang Barangay Tagalag at Bisig, nag-conduct ito ng Tourism Livelihood Training para sa mga residente ng dalawang nabanggit na barangay - sa pakikipagtulungan at suporta ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong September 15, 2022.

Ang lungsod ay marami nang nauna pang pagkilos para i-develop ang Tagalag Fishing Village para makaakit ng turista. Isa sa mga ito ay ang livelihood training para sa mga small at medium vendors na isinagawa sa tulong naman ng Department of Tourism (DOT). 

Kamakailan, pinangunahan ng Bureau of Aquatic Resources-NCR ang pagsasagawa ng isang Tourism Livelihood Training na kung saan nakinabang ang may 20 residente mula sa Tagalag. Ang programang ito ay naaayon sa plano ng Valenzuela na mabigyan ng hanap-buhay ang mga taga barangay at gabayan sila kung paano makapag-simula ng negasyo - maliit man o malaki.  

Bahagi rin ito ng gustong mangyari ng pamunuan ng lungsod na gawing maginhawa ang  manirahan dito.  

Natutunan ng mga participants ang tungkol sa fish meat processing gayundin ang tamang paggawa ng fish ball at tamang proseso at sukat ng mga sangkap sa paggawa ng mga ito mula sa trainer ng BFAR.  

Sinabi ni Estrellita Fortunato, 62, isa sa mga nagsanay, na ang ganitong uri ng livelihood program ay nakatutulong sa mga maliliit na negosyanteng tulad niya.  

“Nadagdagan ang kaalaman ko lalo na kung paano ipi-preserve ang pagkain at kung ano pang ibang bagay ang maaring pagkakitaan,” sabi niya. 

Ang Barangay Tagalag ay napapaligiran ng tubig.  Minarapat ng pamahalaang lungsod na buhaying muli ang salinlahing tradisyon dito na isang fishing village para mapagkunan ng ikabubuhay ng mga tagarito.  Ang Tagalag ay nagantimpalaan na ng Galing Pook Award sa mabuting pamamahala sa barangay.  

Isinusulong nito ang lokal na turismo at ekonomiya sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa "tradisyunal na pangingisda na nasa isang makabagong lungsod", hindi lamang sa kanilang lugar at kung hindi pati na sa mga karatig barangay nito. Photo/Story translated from (Journalonline)  

 

Lunes, Setyembre 19, 2022

Mga basurang plastic malaking hamon sa mga coastal barangay ng Cagayan de Oro City

Marami pang dapat gawin para mabawasan ang mga plastic na basura sa mga dalampasigang barangay ng Cagayan de Oro City.

Base sa obserbasyon ni Chairman Allan Mabalacad ng Barangay Bonbon matapos ang taunang International Coastal Cleanup (ICC) Day na kung saan kasali ang 13 barangay, kailangang may matibay na patakaran para maiwasan ang pagdami ng mga plastic na basura.  

Sa isang panayam, sinabi niya na kaya mas maraming basurang plastic sa lugar ay dahil sa mga beach resort dito.

Ayon naman kay Maria Judelyn Pueblos, isa sa mga volunteers, karamihan sa mga nakuhang basura ay plastic bottles at wrappers.

Ang katatapos na clean up drive sa Cagayan de Oro ay nagmula sa Barangay Lapasan nitong nakaraang Biyernes ng buwang kasalukuyan at kinabibilangan ng iba pang mga barangay tulad ng Lapasan, Agusan, Bayabas, Bulua, Bugo, Cugman, Gusa, Macabalan, Puntod, Puerto, and Tablon.

Layon ng ICC Day na pakilusin ang maraming tao sa buong mundo para alisin ang mga basura sa mga dalampasigan, ilog at lawa.

Ito ay idinaraos tuwing ika-tatlong Sabado ng Setyembre taun-taon.  

Ayon sa mga environmentalists, ang top five sa mga nakokolektang bagay tuwing may ICC clean-up ay upos ng sigarilyo, plastic na bote ng soft drinks, plastic wrappers, plastic na takip ng bote at plastic straws.

Ayon naman sa pahayag ng international group na Surfrider Foundation, lahat ng mga basurang nakokolekta ay yari sa plastic. Ang katangian ng plastic na angkop at matibay na gamit pambalot ay isa ring environmental nightmare.  

Dahil ito ay non-biodegradable o hindi nabubulok, nagpipira-piraso sila sa pagkakabilad sa araw at kapag ang mga maliliit na piraso nito ay nanuot sa kapaligiran natin, malaking pinsala ang dulot nito sa ating wildlife at marine ecosystem.

Bagama’t ang Department of Environment and Natural Resources-Northern Mindanao ay wala pang datos kung gaano karami ang kabuuang volume ng mga basurang nakukuha, sabi ng mga volunteers at opisyal ng barangay na ang karamihan sa mga basurang nakokolekta ay m ula sa plastic.(Philippine News Agency) PHOTO: Couples for Christ MisOr

Miyerkules, Agosto 24, 2022

USAID nag-train ng mga Quezon City barangay leaders


Sinuportahan ng U.S. government, sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID), ang may 70 barangay leaders sa Quezon City para sa paggawa ng project proposals para matugunan ang mga mga pangangailangan ng out-of-school youth (OSY) sa kanilang mga komunidad.         

Sa isang grant na in-award sa Quezon City University (QCU) noong September 2021, ang mga barangay leaders na kinabibilangan ng mga local government officials, miyembro ng mga youth council, gayundin ng mga leaders ng local community organizations ay naka-kumpleto ng six-month “Executive Course para sa Barangay Leaders on System Delivery Support for OSY” na isinagawa mula noong November 2021 hanggang April 2022.  

Ang grant ay bahagi ng kung tawagin ay USAID five-year, Opportunity 2.0 program na nagkakahalaga ng P1.9 billion ($37.5 million).  Ito’y isang programa na dinisenyo bilang suporta sa mga programa at mekanismo para sa mga  Filipino Out of School Youths o OSYs para mapag-ibayo pa ang kanilang pagaaral, trabaho at kabuhayan pagdating ng taong 2025.   

“Dahil sa inyong katapatan, katatagan at kasipagan, mas marami pang kabataang Filipino ang matutulungang tumaas ang antas ng kakayahan, na magtagumpay at maging productive members ng kanilang mga komunidad,” sabi ni USAID Philippines Education Director Dr. Thomas LeBlanc sa pagtatapos ng palatuntunan noong July 26.  

“Ang pamahalaan ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng USAID, ay nanatiling tapat sa pakikipagtulungan nito sa inyong lahat sa ating nagkakaisang layunin na bigyan ng kasangkapan ang kabataang Filipino ng mga pagkakataong kailangan para sa magandang kinabukasan nila .”  

Sinabi ni QCU President Dr. Theresita Atienza na ang “USAID Opportunity 2.0 program ay nagbigay ng malinaw na direksiyon sa amin kung paano maging akma ang aming mga programa para sa Out-of-school-youths.”  

“Sinuportahan din ng USAID ang pagtatatag ng isang Youth Development Alliance sa Quezon City, na naglalayon na mapalakas ang mga key players at mga samahan mula sa private at public sectors para ipatupad ang pinagsanib na mga youth development activities. (PhilStar  

NASA LARAWAN:  Mula sa Kaliwa: Si Quezon City University Dr. Theresita Atienza, USAID Philippines Education Director Dr. Tom LeBlanc, at USAID Opportunity 2.0 Chief of Party Dr. David Hall na nagbigay ng certificate of completion kay Barangay Culiat Kagawad Marichu Montehermoso (pangalawa mula sa kanan) sa closing ceremonies ng “Executive Course for Barangay Leaders on System Delivery Support for OSY” program noong July 26, 2022. (USAID photo).

 

 

Lunes, Agosto 8, 2022

Mga barangay sa Pasay nag lakbay-aral sa Barangay Phil-Am, Quezon City

 

Naglakbay-aral kamakailan ang mga taga-LGU at barangay ng Lungsod ng Pasay sa Barangay Philam sa Quezon City para pag-aralan ang sistema nito sa Solid Waste Management.  Ang programang Lakbay-Aral ng barangay ay nagbibigay daan sa iba pang mga barangay sa mga kalunsuran para matuto ang isa’t-isa sa mahuhusay na paraan o best practices sa pamamahala sa barangay.  

Pinasalamatan ng mga taga Barangay Phil-am ang kanilang mg bisita mula sa Pasay at umaasa sila na makapag-share ng kanilang kaalaman sa iba pang mga barangay sa mga darating na panahon. (Phil-Am FB post.)

Sabado, Agosto 6, 2022

Mga barangay tanod sa Bataan naka-bodycam na


Upang masiguro ang kaligtasan ng mga Barangay Tanod sa Barangay San Carlos, Mariveles, Bataan, sa tuwing sila ay gumaganap ng kanilang tungkulin, sisimulan na nilang gamitin ang bagong biniling body cameras para sa kanilang operasyon.    

Ayon kay Punong Barangay at Municipal Councilor-elect Ivan Ricafrente, ito ay upang masiguro din ng Pamahalaang Barangay ng San Carlos na hindi nagpapabaya at hindi abuso sa tungkulin ang kanilang mga kawani. At kung sakaling may reklamo sa kanila, madali itong mapatunayan o mapasinungalingan sa pamamagitan ng hindi nagsisinungaling na ebidensya: ang mga actual videos na nakunan ng kani-kanilang body cameras.  

Dagdag pa ni Ricafrente, prayoridad din ng Pamahalaang Barangay ng San Carlos na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga kawani na araw-araw itinataya ang kanilang buhay at kaligtasan para mapangalagaan ang kabutihan at kaligtasan ng lahat. 

Ang Barangay San Carlos na may kabuuang bilang na 1,481 na naninirahan, ayon sa 2020 Census, ay isa sa 18 barangay ng Mariveles, Bataan, Kapuna-puna na ang bilang ng mga mamamayan dito ay kumakaunti sa halip na dumarqmi.(Photo and story iOrbit News Online)

  

Huwebes, Hulyo 28, 2022

Palaka solusyon sa Dengue ng Barangay Balara sa Quezon City

Mga palaka ang nakikitang isa sa mga solusyon ng barangay captain sa Old Balara, Quezon City para kontrolin ang dengue cases sa lugar na nasasakupan.                                                                                                                                                                                                                                             May isandaang palaka ang pinakawalan sa mga damuhan at kanal sa Old Balara kamakailan bilang bahagi ng kanilang anti-dengue drive.             

Bukod pa rito, may 400 pa ang ikinalat sa iba pang bahagi ng barangay.                                                                                                                                                                                                                                              Inaasahan nilang susuot ang mga palaka sa masisikip na lugar na pinamumugaran ng mga lamok.    Kakainin naman ng mga palakang ito ang mga lamok, ulat ng ABS-CBN News.

Hindi ito ang unang beses na nagpakalat ng mga palaka sa Brgy. Old Balara para sa anti-dengue operation nito. “Yung palaka ang maglilinis ng masusukal na lugar at yung mga drainage system na kulob at hindi namin mapasok ng tao para linisin,” paliwanag ni Bgy. Old Balara Captain Allan Franza. 

Ginagawa na nila ito mula pa noong 2016. “Bagamat wala pa namang tiyak na pag-aaral, pero base sa aming observation ay nakakatulong siya,” ani Franza sa ulat ng Ulat Bayan ng PTV. 

Tinatayang 19 na kaso na ang naitala sa lugar, 80 porsyentong mas mataas kesa noong 2021. (PEP.PH) 

Lunes, Hunyo 20, 2022

Barangay sa Pasig naglunsad ng malawak na breastfeeding program



Ang Barangay San Antonio sa Pasig City ay naglunsad noong June 16, 2022 ng kauna-unahan at malawak na breastfeeding program gayundin ng sarili nitong milk bank.

Tinawag na “BSA Moomas”, layon ng programa na makatulong sa mga nag-papagatas na ina hindi lamang sa barangay kung hindi sa buong lungsod, ayon sa Punong Barangay nito na si Raymond Lising.  

“Gusto naming suportahan ang First 1,000 Days Law na ipinatutupad na sa buong bansa. Isinasaad ng batas na ito na ang pundasyon ng isang bagong panganak na bata ay nagsisimula nang ito ay mabuo hanggang sa ikalawang taon ng buhay niya, kung kaya ang tamang nutrisyon at tamang mga gawain para siya maging malusog at malakas ay dapat na nagsimula mula nang siya ay ipinaglilihi pa lamang” sabi naman ni Kagawad Rachel Marie Rustia, Chair ng Committee on Health and Nutrition ng barangay.

Dagdag pa ni Rustia na ang Barangay San Antonio ang una at bukod-tanging barangay sa Pasig na may lactation specialist na gagabay sa mga ina sa pagbi-breastfeeding.

Ipinaliwanag din niya na mas makatititipid ang mga mahihirap na ina kapag nagbi-breastfeed sila kumpara sa paggamit ng magastos na mga milk formula para sa kanilang mga sanggol.

Bukod sa breastfeeding program, mayroon din ang barangay ng sarili nitong Milk Bank na kung saan ang mga nai-donate na gatas ay itatabi para sa mga inang walang masyadong gatas at mga nag-iisang ama na siya ring nag-aalaga ng kaniyang sanggol.

Ang Milk Bank ng barangay ay matatagpuan sa Nutrition Room ng Health Center nito.

“Lahat ng gustong mag-donate ay dadaan muna sa health screening para matiyak na ang gatas na idino-donate ay malinis at masustansiya.” sabi ni Lising.  Idinagdag pa niya na kahit na hindi mga residente ng barangay ay maaaring mag-donate.  

Ayon pa rin sa punong barangay, may naipundar din na isang chest freezer ang barangay para sa storage ng mga nai-donate na gatas.  (Manila Bulletin)

Biyernes, Hunyo 3, 2022

Sangkaterbang langaw, inirereklamo ng mga residente sa isang barangay sa Batangas



Umaga pa lang, kalbaryo na sa ilang residente sa isang barangay sa Rosario, Batangas ang sangkaterbang kadiring langaw na naglipana sa loob at labas ng kanilang mga bahay.

Sa ulat ni Lorenzo Ilagan sa GMA Regional TV "Balitang Southern Tagalog" nitong Huwebes, sinabi ni Estela Malibiran ng Barangay Maalas-as, na araw-araw nilang sakit ng ulo ang mga langaw.

Umaga pa lang, puno na ng langaw ang nakalatag na fly trap sa loob ng kaniyang bahay.

"Hindi na makakain, nagkakasakit na yung aking matanda don. Kakain ka niyan puro langaw. Pati ang baboy, nagkakasakit na," reklamo niya.

"Pumasok kayo sa bahay ko, tingnan niyo yung kusina ko, ang rice cooker kailangan may taklob na tela at sobrang grabe na ang langaw," dagdag niya.

Ang 92-anyos na ina ni Malibiran na nasa labas ng bahay, makikita na napuno na ng langaw ang pinggan na pinagkainan.

Inirereklamo rin ni Mario Ramos at mga katabi pa niyang kabahayan ang naglipanang mga langaw sa kanilang lugar.

Ang itinuturo nilang pinagmumulan ng langaw, ang kapabayaang poultry farm o manukan na nasa kanilang barangay.

Binisita ng joint inspection team ng bayan ang isang manukan na sinasabing nagkaroon umano ng problema sa linya ng tubig.

Kasi once na nababasa yung ipot, magkakaroon na siya ng larva. Possible na magkaroon siya ng langaw. So 'yon yung una naming tinitingnan dito, yung mga puwedeng pagmulan ng langaw," paliwanag niya.

Sinabi ni Hernandez, na nakita nila sa binisitang manukan na may tumutulong tubig sa water drinking line nito.

Inihayag naman ng namamahala sa manukan na naayos na nila ang problema at patuloy ang pag-spray nila kontra sa langaw.

Iminungkahi naman ng inspection team na dapat magkaroon ng ordinansa ang barangay na magbibigay sa kapangyarihan sa mga opisyal ng barangay na suspindihin ang operasyon ng manukan kapag may nagreklamo upang maaksyunan agad ang problema. --FRJ, GMA News

Lunes, Disyembre 13, 2021

Barangay sa Cebu kinilala ng UN-WTO bilang Best Toursim Village

Ang Barangay Bojo sa Aloguinsan, Lalawigan ng Cebu ay napasama sa mga kinilalang Best Tourism Villages ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO) dahil sa pambihirang mga paraan nito para isulong ang eco-tourism at pangangalaga ng kalikasan. 

Ang barangay na ito sa Cebu na kilala sa buong mundo dahil sa Bojo River na matatagpuan dito ay nag-iisang kasali mula sa listahan ng 44 na barangay sa bansa na pinili sa mahigit na 170 kasali mula sa 75 na bansa.  

Ang mga sumali ay sinuri ayon sa pamantayan ng isang independent Advisory Board sa mga kategoryang Cultural and Natural Resources, Promotion and Conservation of Cultural Resources, Economic Sustainability, Social Sustainability, Environmental Sustainability at iba pa.

Ayon sa website ng UN-WTO, noong taong 2013, binago ng Barangay Bojo ang vison nito para maging isang progresibong pook na nagbibigay halaga sa kaunlarang nakasentro sa kapakanan ng mamamayan; pagpapalakas sa ugnayan ng pamahalaang lokal at komunidad at; ligtas at kasiya-siyang pook para sa mga residente, bisita at mamumuhunan. 

Ang Best Tourism Villages initiative ng UN-WTO ay inilunsad para isulong ang papel na ginagampanan ng turismo sa pangangalaga ng mga barangay sa kanayunan kabilang na ang mga tanawin dito, kalikasan, kultura, mga gawain pati na ang mga tanging lutuin na matatagpuan dito. Good News Pilipinas.


NASA LARAWAN:  Ang Barangay Bojo sa Aloquinsan Cebu na kung saan matatagpuan ang world-famous Bojo River.  PHOTO CREDIT: Good News Pilipinas.


Like & Share us on Facebook


HELP US PROMOTE BEST PRACTICES AND GOOD GOVERNANCE IN THE COMMUNITIES: To sustain our work of gathering and reporting to you significant barangay news and events nationwide, your donations in whatever amount would be a great help.  Our G-cash account number is 0936-9776285. Thank you for your continued support.



Lunes, Disyembre 6, 2021

Bagong-tayong Barangay Complex sa Marawi City pinasinayaan

Habang patuloy ang pag-usad ng rehabilitasyon ng Marawi City,  pinasinayaan nitong nakalipas na ika-2 ng Disyembre, 2021 ang isa pang bagong building complex sa Barangay Radaya 1, hindi lamang para magsilbing gusali ng pamahalaang barangay, kung hindi maging health center na rin at madrasah, o paaralan para sa pag-aaral ng Islam at iba pang aralin.  

Ang pinasinayaang gusali ay panlima na sa iba pang mga naunang naitayong barangy complex sa lungsod: Ang Tolali, Datu Naga, Datu sa Dansalan, West Marinaut, at Moncado Kadingilan. 

Ang pondong ginamit sa mga ipinatayong gusaling ito ng city governmnet ay mula sa National Disaster Risk Reduction and Management - Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program. 

Sinabi ni City Mayor Majul Gandamra na sila sa pamahalaang lokal ng Marawi ay nangakong pagsasamahin sa isang gusali ang pamamahala ng Barangay Radaya 1 at ng pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon  sa Most Affected Areas (MAA) o pinaka-apektadong mga lugar sa lungsod.

Ang pasinaya, dagdag pa ni Mayor Gandamra, ay patunay lamang na  natupad nila ang kanilang pangako sa mga taga Marawi sa tulong ng Task Force Bangon Marawi sa pangunguna ng Chairperson nito na si Sec. Eduardo Del Rosario na kinatawan ng national government. Philippine Information Agency

NASA LARAWAN:  Ang bagong-tayong Radaya 1 Barangay Complex sa Marawi City kamakailan.  PHOTO CREDIT: Philippine Information Agency


Like & Share us on Facebook


HELP US PROMOTE GOOD GOVERNANCE IN THE COMMUNITIES: To sustain our work of gathering and reporting to you significant barangay news and events nationwide, your donations in whatever amount would be a great help.  Our G-cash account number is 0936-9776285. Thank you for your continued support.

Martes, Nobyembre 30, 2021

Barangay sa Tanay tumanggap ng P20M pondo

Tumanggap kamakailan ng P20M pondo ang Barangay Sta. Ines, sa Tanay, Rizal  bilang bahagi ng Barangay Development Program ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict. 

Ang pondo ay nakalaan para sa  concreting ng farm-to-market roads, pagri-riprap o paglalagay ng mga bato bilang proteksiyon sa mga tabing bahagi ng Lanatin River at construction ng one-story multipurpose building ng barangay. 

Tiniyak ni Mayor Rex Manuel Tanjuatco sa mga naninirahan sa barangay na pagbubutihin ng pamahalaang bayan ng Tanay ang mabilis at walang bahid-ng-anomalyang pagpapatupad ng proyekto.

Ang Sta. Ines ay isa sa 30 barangay sa Calabarzon na na-clear na mula sa impluwensiya ng mga rebeldeng grupo matapos sumailalin sa community support program (CSP) ng Philippine Army. (Translated from Manila Times.) 

NASA LARAWAN:  Ilang mga national at local government officials na dumalo at lumahok sa pasinaya sa barangay Sta. Ines, Tanay kamakailan.  PHOTO CREDIT: Philippine Information Agency


Like & Share us on Facebook


HELP US PROMOTE GOOD GOVERNANCE IN THE COMMUNITIES: To sustain our work of gathering and reporting to you significant barangay news and events nationwide, your donations in whatever amount would be a great help.  Our G-cash account number is 0936-9776285. Thank you for your continued support.

Huwebes, Nobyembre 25, 2021

Barangay sa Negors Occidental naglunsad ng "Barangay Ko, Love Ko" cleanliness drive

Pinangunahan ng isang community organization ang paglulunsad ng isang cleanlihess and beutification drive sa Barangay Purisima sa Manapla, Negros Occidental kamakailan.

Tinawag na "Barangay Ko, Love Ko", ang nasabing drive ay inilunsad sa pangunguna ng Purisima Community Service Volunteers o PCSV sa pakikipagtulungan ng Victorias Milling Company.

Nabago ang tanawin sa may bungad ng barangay makalipas na mailunsad ang proyekto nitong nakaraang October 30 na naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa barangay.   

Namangha si Thamar Theresa Genobis ng PCSV sa naging pagtanggap ng mga residente ng barangay. Naging positibo ang kanilang mga pananaw at masaya nilang sinoportahan ang proyekto sa paglilinis sa harap ng kanilang mga bahay at sa mga daanan sa barangay. 

Nagagalak din sila sa mga pagbagabong nagaganap sa paligid nila. Dahil dito, hangad ng PCSV na isulong pa ang disiplina at malasakit sa kapaligiran. 

Sinabi ni Atty. Eva Rodriguez, VMC Chief Administrative Officer ng Victorias Milling Company Inc (VMC), na malugod nilang susuportahan ang proyekto dahil naaayon ito sa kanilang hangaring isulong ang ligtas at malusog na mga kumunidad.

May gantipalang naghihintay sa mananalong zone na kasali sa paligsahan at December 29, 2021 ang final judging. 

Ang mapipiling pinakamagling na zone ay tatangggap ng P30,000 at susundan ng P20,000 para sa second placer at P10,000 naman para sa third place. May consolation prizes din na P5,000 para sa iba pang mga magwawagi. (Translated from The Visayas Daily Star 


Like & Share Us on FACEBOOK


IMPORTANT NOTICE: For your reading convenience, this news service do not contain and is not cluttered with ads. However, to sustain our work of gathering and reporting to you significant barangay news and events nationwide, your donations are most welcome in whatever amount.  Our G-cash account number is 0936-9776285. Thank you for your support.

Linggo, Nobyembre 21, 2021

Mga barangay sa Bulacan sumailalim sa environmental compliance audit

Sumailalim sa Barangay Environmental Compliance Audit kamakailan ang mga barangay sa Bulacan para malaman kung alin sa kanila ang nakasusunod sa ilang mga provision ng Republic Act. No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. 

Ito ay isinagawa ng Provincial Assessment Committee sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Bulacan. Kasama rin ang  mga kinatawan ng Provincial Environment and Natural Resources Office at ng mga Civil Society Organization. 

Ang mga unang binisita at napiling barangay para i-audit ay ang Bagong Barrio, Pandi; Bagumbayan, Bocaue; Gayagaya, City of San Jose Del Monte; Matimbubong, San Ildefonso; Pansumaloc, San Rafael; Pantoc, Meycauayan; Pinagbarilan, Baliwag; Pitpitan, Bulakan; Poblacion, Pulilan; Pulong Buhangin, Sta. Maria; San Jose, Plaridel; Santol, Balagtas; at, Tiaong, Guiguinto.

In-assess ng Provincial Audit Committe ang mga verification documents, binisita ang mga Barangay Materials Recovery Facility at nagsagawa ng pakikipagpulong sa mga kawani ng mga barangay na nabibilang sa unang batch ng may 569 na barangay sa probinsiya. 

May matatanggap na premyo ang pinakamagaling na barangay na mapipili ng Assessment Committee sa iba't ibang kategorya. DILG Regional News


Miyerkules, Nobyembre 10, 2021

Ang Barangay Justice System: Sa paningin ng mga tao

 

Sa isang barangay, kapag may mga taong hindi nagkakasundo, ano ang isang mabisang paraan para sila magkaayos?  

Ang naaayon sa batas na paraan ay ang Barangay Justice System.  Ito ay matagal nang umiiral sa buong bansa mula pa noong 1978 sa bisa ng Presidential Decree 1508 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. 

Kinikilala ng batas na ito ang matandang tradisyon nating mga Pilipino na ang pamilya at komunidad ang unang umaayos ng mga di-pagkakasundo. 

Pagkalipas ng Edsa Revolution, naging bahagi na ito ng 1991 Local Government Code. Dito lalong kinilala na ang lakas ng sistemang ito ay nakasalalay sa kapangyarihan ng komunidad.

Sa kasalukuyang panahon, mabisang paraan ito para mabawasan ang mga nakabinbing kaso sa mga korte. 

Gaano ba karami sa ating mga mamamayang Filipino ang nakababatid sa kahalagahan ng Barangay Justice System?  Ilan sa atin ang tunay na naniniwala na malaki ang bahagi nito sa pagkakaroon ng katahimikan sa komunidad?

Para masagot ang mga tanong na ito, ang Synergia - isang organisasyon sa bansa na nagsusulong ng mabuting pamamahala sa gubyerno - sa pakikipagtulungan ng Global Community Engagement Resilience Fund (GCERF), isang non-profit foundation na nakabase si Geneva, Switzerland at sumusuporta sa pandaigdigang kilusan laban sa karahasan, ay nagsagawa ng mga pakikipagpulong at pag-aaral sa mga pamahalaang bayan ng Pagapo, Lanao Del Sur; Buldon, Maguindanao at Jolo sa Lalawigan ng Sulu.  

Lumitaw sa pag aaral na ito na sa mga lugar na nabanggit:

1. Sa bawat 10 sa kabuuang 239 na taong kinapanayam, pito sa mga ito ang walang karanasan sa Barangay Justice System.

2. Akala ng bawat 5 sa sampu, ang Barangay Assembly ay para pag-usapan lang ang mga programa ng gubyerno. 

3. Alam ng 9 sa bawat 10 na tinanong, ang Punong Barangay ang nakaupo bilang pinuno ng  Barangay Assembly. 

4. Marami pa rin ang may gusto na ayusin na lamang ang mga pagtatalo sa labas ng Barangay Justice System.

5. Halos tatlo sa mga pagtatalo, sila na lamang ng magkatunggaling panig ang umaayos. 

6. Wala pang 3 sa kanila ang lumalapit sa Punong Barangay para humingi ng tulong na maayos ang kanilang pagtatalo.

7. Labindalawang (12%) porsiyento sa kanila ay lumalapit sa mga nakatatanda para ayusin sila. 

8. Labintatlong (13%) porsiyento naman sa kanila ang direktang humingi ng  tulong sa kapulisan.

Sa mga nakaranas nang sumailalim sa Barangay Justice System, napag-alaman ng Synergeia :na ang mga karaniwang kaso na inilalapit sa Lupon Tagpamayapa ay:

1. Mga away pamilya.

2. Mga pagtatalo ng mga magkakapitbahay at mga magkabarangay.

3, Trespassing o ang walang pahintulot na pagpasok.

4. Hindi pagbabayad ng utang.

5. Walumpu't pitong (87%) porsiyento ng mga nakausap ay nagsabi na nakatulong ang Punong Barangay sa pag-aayos ng kanilang pagtatalo dahil sa pagpapatawag sa bawa't isa sa kanila at pagdining sa kanilang pagtatalo. 

Matapos ang mga isinagawang pag-aaral sa mga lugar na nabanggit, nangako ang mga kasali na lalo pa nilang palalakasin sa kanilang lugar ang Barangay Justice System.

Hihimukin din ang magkabilang panig na ilapit ang mga pagtatalo sa kanilang pamahalaang barangay.

Sinabi rin ng isa sa kanila ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag sa kanilang kapaligiran gayundin ng pagkakaroon ng lakas ng loob na isuplong sa opisyal ng barangay ang mga kahina-hinalang kaganapan sa kanilang lugar.

Binigyang diin naman ng isang taga Jolo ang kahalagahan ng pagdinig sa bawat panig ng isang pagtatalo para maiwasan ang mga walang basehang palagay.

Sa pangkalahatan, ang mga tinanong ay nagkakaisa sa paghanap ng paraan kung paano palalakasin ang Barangay Justice system. Iminungkahi ng mahigit sa kalahati sa kanila ang mga sumusunod na hakbangin: 

1. Paigtingin ang kakayahan ng mga residente na maintindihan ang kanilang mga karapatan. 

2. Pag-ibayuhin pa ang kakayahan ng mga barangay na ayusin at mamagitan sa mga pagtatalo.

3. Dalasan ang pagdaraos ng barangay assembly.

4. Himukin ang mga residente na alaming maigi kung ano ang mga tungkulin ng barangay.

Pagsisikapan ng Synergeia na  gamitin ang mga mungkahing ito para sa kanilang mga susunod na gawain sa ilalim ng kanilang Project Brave.  

Ito ay para gawing isang mabisang paraan ang Barangay Justice System sa pagpapalawig ng kapayapaan sa mga barangay. Photo credit and source of story: Page One.  


Martes, Nobyembre 3, 2020

Disenyo ng bagong barangay hall sa Iligan City hango mula sa "Pinoy Big Brother" theme


 

Isang barangay hall na dinisenyo mula sa Pinoy Big Brother (PBB) design theme ay halos tapos na sa Iligan City.

Ang budget para sa nasabing gusali na nasa Brgy. San Miguel ay nagkakahalaga ng mahigit P4 million. 

Ito ay may layong humigit kumulang na dalawang oras mula sa Cagayan de Oro City. (Content translated and reposted from ACADEO)

Miyerkules, Setyembre 23, 2020

Barangay sa Bulacan, pagtatayuan ng New Manila International Airport

Ano ang isang malaking kaganapang mangyayari sa Barangay Taliptip na magpapabago sa buhay ng mga naninirahan dito?

Matatagpuan sa bayan ng Bulakan, 35 kilometro ang layo mula sa Metro Manila, sisimulan na sa barangay na ito ang P734-Billion New Manlia International Airport bago matapos ang taong ito.

Dahil dito, nagsimula nang lumikas ang mga nainirahan dito papunta sa kani-kanilang lugar na pinanggalingan sa Samar, Negros, Nueva Ecija, Sorsogon, Mindoro, Masbate, Camarines Sur, Malabon, Bataan, Valenzuela, Paranaque, Dumaguete, at Albay.

Ayon kay Mr. Ramon Ang, presidente ng San Miguel Corporation, ang builder ng naturang airport, nagkakahalaga ng P100 milyon ang nagastos para mabayaran ang mga ari-arian ng may 369 na mga dating naninirahan dito.

Ang mga naiwan ay bibigyan ng pagkakataon na mag-training at makapagtrabaho sa itatayong airport habang ito ay ginagawa pa lang hanggang sa ito ay nakatayo at operational na.

Kapag bukas na, inaasahan na ang may laking 2,400 na ektaryang airport ay magbibigay daan sa pagpasok ng mas maraming turista at pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa dahil kaya nitong tumanggap ng 100 milyong pasahero sa loob ng isang taon.

Sa malaking pagbabagong ito sa Barangay Taliptip, may matitira pa kayang lupain para sa mga tagarito kapag naitayo na ang bagong airport?

Mayroon pa kayang Pamahalaang Barangay ng Taliptip sampu ng mga opisyal at kawani nito? 

May pamayanan pa kaya ng mga residente na maninirahan dito? 

May mga eskuwelahan, simbahan, palaruan o mga pamilihan pa kayang matatagpuan o tuluyan nang mabubura sa mapa ang barangay na ito? 

(Photo Credit: San Miguel Corporation)